PNoy sinumbatan si Binay: Tinrato ko ba siya nang mali at tapos ito ang isinukli? | Bandera

PNoy sinumbatan si Binay: Tinrato ko ba siya nang mali at tapos ito ang isinukli?

Bella Cariaso - June 25, 2015 - 11:29 AM

GUMANTI agad nang maaanghang na salita si Pangulong Aquino sa kanyang Bise Presidente na si Jejomar Binay matapos ang mga tirada na binitiwan ng huli at tawaging palpak ang kanyang administrasyon.

Ayon kay Aquino hindi niya maunawaan kung bakit sinabi niyang manhid at palpak ang kanyang administrasyon gayong tinulungan niya ito na maging bahagi ng kanyang Gabinete sa loob ng mahigit limang taon.

“Binigyan ko siya ng lahat ng pagkakataon para hindi s’ya maging spare tire,” ayon kay Aquino sa sidelines ng Livestock expo and convention sa Maynila Huwebes.

“Kayo na lumagay sa posisyon ko, paano ko ba siya tinirato ng mali at tapos ito ang isinukli?” dagdag pa ni Aquino.

Nitong Lunes ay nagbitiw sa Gabinete si Binay.  Dalawang araw matapos ito ay nagpakawala ng matatalas na pahayag ang bise presidente at tinawag na manhid at palpak ang administrasyon na dati niyang kinaaniban.

Ayon kay Aquino ginawa niya si Binay bilang pinuno ng National Housing Authority, at pinagbigyan pa ang request nito na gawin siyang Presidential Adviser on Overseas Filipino Workers Affairs.

“Hindi natin s’ya pinigilan na marecognize ang trabaho n’ya,” dagdag pa nito.

Ayon pa sa pangulo sasagutin niya at ng kanyang Gabinete ang lahat ng akusasyon ni Binay, punto por punto.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending