High-end nightclub na Valkyrie nag-sorry sa transgender fashion designer
SA tindi ng batikos na tinanggap ng isang mamahalin nightclub dahil sa hindi pagpapasok nito sa isang transgender fashion designer, nag-isyu ang Valkyrie nang paumanhin dahil sa kanilang discriminatory act.
Una nang nagpahayag nang pagkadsimaya si Vice Ganda, na hayagang isang gay, sa ginawa ng Valkyrie sa fashion designer na si Veejay Floresca na isang transgender.
Nagbanta si Vice Ganda na babawiin nito ang maliit niyang share sa nasabing high-end club.
Sa isang statement na inilabas ng Valkyrie management, itinanggi nito na hindi sila nagdi-discriminate ng “transwomen at transgender individuals:.
Ayon sa statement: “The club does not refuse entry on the basis of an individual’s sexual orientation. The club has, on many previous occasions, welcomed transgender guests into its premises” and that its security personnel “were merely adhering to … safety policies and guidelines.”
Gayunman, ang Valkyrie Nightclub at The Palace Pool Club ay mga “private establishments,” at ang mga ito ay may karapatan kung sino ang dapat nitong papasukin sa kanilang establisimento.
“The clubs reserve the right to determine who will be permitted entry into their premises,” ayon pa sa pahayag.
Si Floresca, na isang fashion designer na ang mga gawa ay nakilala sa Japan, China, US at Great Britain, ay pinagbawalang pumasok ng Valkyrie noong Hunyo 12 dahil isa umano siyang “cross-dresser”.
Hunyo 2o naman nang hindi rin siya papasukin sa Pool Palace Club, na pag-aari rin ng Valkyrie, nang harangin ng guard at kwestyunin ang kanyang California ID card na nagpapakilala na isa siyang babae.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.