SA pinakahuling resulta ng Pulse Asia at Social Weather Station survey para sa mga posibleng tumakbo sa pampa-nguluhan sa 2016, umarangkada si Senador Grace Poe, at ngayon ay siya na ang llamado sa lahat.
Mula kay Vice President Jejomar Binay, Interior Sec. Mar Roxas, Mayor Rody Duterte at Mayor Joseph “Erap” Estrada, si Poe ang lumalabas na siyang napupusuan ng publiko sa ngayon.
Inungusan na ni Poe si Binay na matagal ding humawak ng korona sa pagiging numero uno sa mga posibleng manalo sa darating na halalan. Nasa pa-ngalawa na si Binay; umariba na rin si Duterte na nasa ikatlong pwesto at nasa ika-apat na pwesto naman si Roxas naka-tie si Manila Mayor Erap Estrada.
Kung paborable mang masasabi ang resulta ng survey kay Poe, marami naman ang nangangamba na simula na ito ng kanyang kalbaryo.
Asahan na ang umaati-kabong pagbatikos ang mangyayari kay Poe dahil siya na ang nangunguna sa nasabing survey.
Patikim pa lang ang citizenship at residency issue na ibi-nabato sa senadora, at hindi magtatagal na marami pa ang lulutang na banat laban kay Poe para tuluyang masira at madiksaril kung tutuloy nga siya sa pagtakbo bilang pangulo sa darating na halalan.
Habang papalapit ang eleksyon, asahan na ang grabeng siraan lalo na sa pa-
gitan ng mga nag-aambisyong magkakalabang politiko para sa mataas na posisyon. Hindi imposibleng maging personal ang bawat banat. Patibayan ng loob ang kailangan dito; kaila-ngang magiging matatag, handa at hindi dapat maging balat sibuyas.
Sa lahat ng posibleng tumakbo, si Poe ang higit na dapat maghanda dahil siya nga-yon ang pinakamabango at bidang-bida sa publiko. Kaila-ngang paghandaan ni Poe ang bawat banat na ilulunsad sa kanya. Ilang eleksyon na ang nagdaan at alam ng lahat na palaging may siraang nagaganap, at kadalasan ay perso-nal din ang mga pag-atakeng ito.
Sakabilang banda, ang pagbibitiw din ni Binay bilang miyembro ng Gabinete ni Pa-ngulong Aquino ay dapat na maging hamon kay Poe kung susuong na nga ba siya sa presidential race.
Sa ngayon, masasabing si Binay ang presidentiable na pinakahanda at may orga-nisadong makinarya, kung ihahambing sa iba pang mga ka-laban.
At ito ang kulang kay Poe — ang makinarya at pera. Walang masasabing organisasyon o political party na maaaring magdala sa kanya.
Hindi rin nakatitiyak si Poe na siya ang iiendorso ni Ginoong Aquino para maging standard bearer ng Liberal Party kahit pa sabihin na hati ngayon ang partido sa kung sino ba sa kanila ni Roxas ang susuportahan. At mas nakalalamang dito si Roxas.
Kaya dapat maghanda si Poe sa anumang kaganapan. Hindi dahil sa popular siya sa masa, tiyak na ang kanyang panalo. Asahan ang “all out war” na ilulunsad laban sa kanya sa mga nalalapit na araw.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.