PH chessers humakot ng mga medalya | Bandera

PH chessers humakot ng mga medalya

Mike Lee - June 25, 2015 - 12:00 PM

HINDI nagkamali ang Philippine Sports Commission (PSC) nang isama ang chess sa talaan ng mga priority sports nang kumulekta uli ang mga ipinanlaban ng maraming medalya kamakailan.

Sumali ang Pilipinas sa World Schools Chess Championships, Asian Schools Chess Championships at ASEAN+ Age Group Chess Championships at ang 64 chessers ay nagkamit ng kabuuang 85 medalya mula sa 26 ginto, 42 pilak at 17 tansong medalya.

“Taong 2010 nagsimula ang pinaigting na grassroots program ang NCFP at sinuportahan ito ng PSC kaya naman taun-taon ay patuloy ang pag-ani ng maraming medalya ang bansa,” may pagmamalaki ni NCFP executive director at Grandmaster Jayson Gonzales.

Nanguna sa mga kuminang ang 18-anyos mag-aaral ng La Salle na si Bernadette Galas nang nanalo siya ng tatlong ginto sa individual standard, team standard at blitz.

Nadagdagan pa ang kinang ni Galas, isang board three player na nanalo rin ng Rookie of the Year award sa UAAP dalawang taon na ang nakalipas, nang nakakuha siya ng una sa tatlong norms na kailangan para maging Woman Grandmaster.

Ipinakita ng mga manlalaro ang kanilang 85 medalya na napanalunan sa tatlong kompetisyon kay PSC chairman Ricardo Garcia sa isang courtesy call noong Martes.

“Congratulations sa inyong lahat. Ang PSC ay naririto at susuporta sa inyo dahil naninwala kami na sa chess ay puwedeng manalo ang Pilipinas dahil walang height dito o laki ng katawan. Ang kailangan at talino na taglay ninyong lahat,” wika ni Garcia.

Ang iba pang may maraming ginto ay si WFM Shania Mae Mendoza at Stephen Rome Pangilinan na kumulekta ng tig-limang ginto.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending