Tom tatapatan ang kaseksihan ni Dingdong sa MariMar
Excited at puspusan na ang paghahandang ginagawa ng Kapuso prime leading man na si Tom Rodriguez para sa kanyang pagganap bilang Sergio sa primetime series na Mari Mar.
“I was very surprised, very honored and excited, it felt so unreal. I knew right away when I first heard about it that it was going to be a big project.
“Nakaka-pressure pero at the same time I’m very excited ‘cause I know I’m going to learn a lot on this project,” kwento ng aktor matapos ang ginanap na story conference noong Martes ng bagong version ng Mari Mar na pinagbidahan noon nina Marian Rivera at Dingdong Dantes.
Dagdag excitement din para kay Tom ang makatrabaho ang Miss World 2013 na si Megan Young na siyang gaganap na Mari Mar. Ayon kay Tom, “I really feel blessed. Mas nakakabawas ng kaba at takot kasi I’ve worked with her before. At least we already have a great working relationship.”
Sa ngayon ay todo workout na si Tom dahil maraming eksena sa serye na kailangan niyang magpakita ng kaseksihan, tulad noon ni Dingdong. Kailangang tapatan kung hindi man niya malagpasan ang ipinakitang kamachuhan noon ng mister ni Marian sa Mari Mar.
Ang Mari Mar ay sa ilalim ng direksiyon ni Dominic Zapata. Una nang nagkatrabaho sina Direk Dom at Tom sa primetime series na My Husband’s Lover.
Ilan pa sa mga makakasama sa serye ay sina Jaclyn Jose, Ricardo Cepeda, Carmi Martin, Jaya, Cris Villanueva, Candy Pangilinan at Lauren Young.
Kaabang-abang din ang mga karakter na gagampanan nina Frank Magalona, Maricris Garcia at Dion Ignacio. Bukod sa kanila, abangan din ang iba pang mga malalaking artista ng GMA na papasok sa serye.
Mapapanood na ang Mari Mar ngayong Agosto sa GMA Telebabad.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.