Sen. Bongbong Marcos nalason, nag-alburuto ang tiyan
NABIGONG makadalo si Sen.Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa isang pagtitipon sa Polytechnic University of the Philippines (PUP) sa Sta. Mesa, Maynila dahil sa food poisoning.
Inimbitahan si Marcos na magsalita sa harap ng mga estudyante kaugnay ng Bangsamoro Basic Law (BBL), ngunit ang kanyang pinakamatandang anak na lalaki na si Ferdinand Alexander Marcos ang nagbasa ng inihandang talumpati ng kanyang ama.
Nagpaliwanag ang batang Marcos kung bakit hindi nakadalo ang kanyang tatay sa pagtitipon.
Aniya, inaya niya ang kanyang tatay na maghapunan sa labas noong Linggo ng gabi para pagdiriwang ng Father’s Day kung saan ito nagkasakit dahil sa food poisoning.
“Unfortunately, my father fell sick this morning after I took him out for a Father’s Day dinner last night. He was a victim of food poisoning,” sabi ng batang Marcos.
Nakatakda sana ang pagtitipon ganap na alas-10:30 ng umaga, bilang bahagi ng konsultasyon ni Marcos kaugnay ng panukalang Bangsamoro Basic Law (BBL).
Nag-aaral ang 21-taong-gulang na si Marcos ng International Politics sa City University London. Inquirer.net
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.