Juday sa susunod na baby: Girl or Boy ok lang, basta tao siya! | Bandera

Juday sa susunod na baby: Girl or Boy ok lang, basta tao siya!

Ervin Santiago - June 20, 2015 - 02:00 AM

judy ann santos

INAMIN ni Judy Ann Santos na mas delikado ngayon ang pagdadalang-tao niya kung ikukumpara noong ipinagbubuntis niya si Lucho ilang taon na ang nakararaan. Ito’y dahil na rin daw sa pagdagdag ng kanyang edad.

Ayon sa Soap Opera Queen, triple ang kailangan niyang gawing pag-iingat para masiguro ang maayos na kundisyon ng next baby nila ni Ryan Agoncillo, kabilang na nga riyan ang pagbabawas ng trabaho.

Nagdesisyon si Juday na huwag nang ituloy ang teleserye nila ni Richard Yap dahil bukod sa schedule, madugo rin ang mga gagawin niyang eksena rito dahil nga action-drama ang tema ng Someone To Watch Over Me sa produksiyon ng Dreamscape Entertainment.

Sey ng Kapamilya actress, na-touch nga raw siya sa ginawa ng Dreamscape sa pamumuno ni Deo Endrinal dahil, “Pwede naman kasi nilang ibigay sa ibang artista ‘yung proyekto, pero mas ginusto nilang hintayin ang pagbabalik ko. So, talagang nakakataba ng puso.”

Kahapon sa presscon ni Juday para sa kauna-unahan niyang cook book, ang “Judy Ann’s Kitchen”, ibinalita niyang medyo umayos na ang kundisyon niya kumpara noong unang apat na linggo ng kanyang pagbubuntis.

Wala raw siyang partikular na pinaglilihian ngayon, basta ang lagi niyang hinahanap ay malulutong na pagkain. Kung minsan naman ay gusto niyang magpapak ng burger at iba pang beef recipes.

Feeling naman ni Juday, naglihi rin si Ryan during the first four weeks ng kanyang pregnancy dahil pareho raw silang nawalan ng panlasa, “Parang lahat ng kainin namin that time, lasang bakal.

Kaya sabi ko, siguro naglilihi rin siya kaya maarte rin ang taste buds niya.” Kung excited sila ni Ryan sa pagdating ng bago nilang baby, mas excited daw ang dalawa nilang anak na sina Yohan at Lucho, “Siyempre, gusto ni Yohan girl ang next na kapatid nila, pero si Lucho gusto niya ng boy.

Actually, nagtatabi na siya ng mga toys niya para daw ibibigay niya sa baby brother niya. Ganu’n sila ngayong mag-ate, talagang pinaghahandaan din nila ang pagdating ng kapatid nila.”

Para naman sa kanila ni Ryan, lalaki man o babae ang nasa sinapupunan niya, okey lang sa kanilang mag-asawa, “Basta tao siya! Yun ang mahalaga! Ha-hahaha! Tsaka siyempre, lagi naming ipinagdarasal na maging healthy siya.” Pero sabi ng ilang colleagues natin sa entertainment press, mukhang babae ang baby ni Juday dahil ang ganda-ganda niya ngayon.

Habang ginaganap ang presscon ng “Judy Ann’s Kitchen” biglang dumating si Ryan bilang suporta sa kanyang misis. In fairness, talagang naglalaan ng time ang TV host-actor para maalagaan at maalalayan ang kanyang misis sa pagbubuntis nito.

Samantala, siniguro ni Juday na sulit ang ipambibili ng mga tulad niyang mahilig magluto, lalo na ang mga misis, sa kanyang first ever cook book na maituturing din niyang “baby” dahil halos dalawang taon nga nilang binuo ang nasabing libro published by Anvil Publishing Inc..

“Lahat ng mga recipe na natutunan ko simula noong matuto akong magluto, nu’ng nag-aral ako, at hanggang ngayong may pamilya na ako, nandito sa Judy Ann’s Kitchen. Marami silang makukuhang tips dito aside from my budget recipes,” sey ni Juday.

May limang chapters ang nasabing cook book: Nandiyan ang “Comfort Food” (mga recipes na kinalakihan ni Juday na punumpuno ng magagandang memories ng kanilang pamilya); “Friends” (mga easy to prepare recipe na hinahanda niya kapag biglang dumating ang mga kaibigan nila ni Ryan sa bahay); “Kiddie Parties” (mga kiddie meals na pine-prepare niya kapag birthday ng kanyang mga anak and other relatives); “Wifey Duties” (for Ryan’s baon and for dinner dates at home); at “Health & Discoveries” (mga pagkaing hinahain niya kapag kailangan na nilang mag-diet ni Ryan).

Meron din daw participation dito ang asawa niyang si Ryan at dalawang anak na sina Yohan at Lucho, kung ano yan, bumili na lang kayo ng Judy Ann’s Kitchen! Ha-hahaha!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

In fairness, talagang nakakatuwa ang cook book ni Juday, very personal ang presentation nito na talagang mapapakinabangan ng mga wifey and mommy like Juday. Siguradong magagamit ito ng mga misis at nanay sa pang-araw-araw nilang pamumuhay.

Mabibili na sa mga paborito n’yong bookstores ang “Judy Ann’s Kitchen” ngayong Linggo, Father’s Day. Wait lang, alam n’yo ba na mas masarap daw magluto si Juday kapag problemado siya. Yes, inamin ng Teleserye Queen na, “I cook best when I’m depressed!”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending