US soldier nag-propose sa Pinay GF sa harap ni Willie | Bandera

US soldier nag-propose sa Pinay GF sa harap ni Willie

Julie Bonifacio - June 17, 2015 - 02:00 AM

willie revillame

BASANG-BASA sa mukha ni Willie Revillame ang kasiyahan noong dalawin namin siya sa taping ng Wowowin last Saturday. Paano kasi ay nadesisyunan na ng korte ang matagal-tagal na ring kasong kinakaharap niya laban sa ABS-CBN.

And hopefully, it will end up all “personal“ rift between him and his former network. Bago naibaba ang desisyon na pumapanig kay Willie ay nagbigay na ng pahayag ang ABS-CBN owner na si Gabby Lopez about the TV host.

May mga pagkakataon din na nagkikita sina Willie at sister ni Gabby na si Gina Lopez. At madalas nakakasama sa mga personal celebrations ng pamilya Santos, headed of course ng ABS-CBN president na si Charo Santos Concio, si Willie.

Pinaka-recent ay noong nag-birthday ang apo ni Direk Bobot Mortiz at ni Milet Santos na kapatid ni Charo. Kaya ang gaan-gaan na nang pakiramdam ni Willie ngayon especially sa tuwing nagho-host siya sa Wowowin.

Mas makakapag-focus na talaga ngayon si Willie sa bago niyang show at makakatulong pang lalo sa maraming Pinoy via his show.Wala pa ring puknat ang pamumudmod ni Willie ng cash sa audience ng Wowowin sa GMA7.

Hindi lang mga jacket at cellphone ang kanyang ipinamimigay kundi may TV na rin ngayon.Nasaksihan mismo namin ang pamimigay ng premyo ni Willie sa taping nila last Saturday.

Sandamakmak pa rin ang senior citizens sa audience na karamihan ay galing pa sa iba’t ibang probinsya. Sa rami ng mga binigyan ng premyo ni Willie, umabot nang halos three hours ang taping.

Pero dahil isang oras lang ang show kaya tiyak marami doon ang ‘di na mapapanood sa GMA 7. Bitin na sa oras, maliit pa ang studio ng Wowowin to accommodate ang libu-libong nakapila sa labas.

Hanggang 500 lang daw kasi ang kaya ng sa studio. We heard naghahanap na ng mas malaking venue si Willie and his staff. Marami ang nanghinayang sa dati niyang studio sa Delta, Q.C. na abot hanggang 1,000 ang audience capacity.

Malaking halaga rin ang nagamit sa pagre-renovate ng studio niya dati sa Delta at may ilang buwan pa siyang na-advance na bayad ang hindi niya nagamit.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

During the dry-run ng Wowowin nagpa-auction pala si Willie ng mga appliances niya na ginamit sa dalawa niyang building noon, ang Will’s Events at Will Tower Mall. Namakyaw daw ng malalaking TV sets na branded ang DJ sa show ni Willie sa super babang halaga.

Abangan ang episode ng Wowowin kung saan ang mga Pinoy na may foreigner na karelasyon ang maglalaro sa Willie of Fortune. Kikiligin at maiiyak kayo sa isang pares na contestant kung saan sa mismong game ay biglang nag-propose ang former US soldier sa kanyang girlfriend na Pinay. Ipalalabas ‘yan on June 28, Saturday, 3:30 p.m..

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending