Robin: Hayup ang ginawa ni Mariel sa Sulu, para siyang si James Bond! | Bandera

Robin: Hayup ang ginawa ni Mariel sa Sulu, para siyang si James Bond!

Julie Bonifacio - June 17, 2015 - 02:00 AM

robin padilla

Naka-move on na marahil nang todo si Mariel Padilla sa pagkawala ng first baby nila ng hubby niyang si Robin Padilla. Kampante na kasi na umalis ng Pilipinas si Robin patungong Spain.

Bago kasi umalis si Robin nabanggit niya na ayaw niyang naiiwan mag-isa si Mariel sa kanilang bahay sa Parañaque, baka kasi kung ano ang maisip gawin ng kanyang misis dahil sa depression.

Kaya raw kapag nasa taping si Robin noon, inuutusan niya si Mariel na bumili ng kung anu-ano para lumabas lang ng bahay. The more raw kasi na nakikita ni Mariel ang bahay especially ‘yung sa spa room nila na gagawin dapat ng misis niya bilang kwarto ng baby mas lalong masakit ‘yun sa TV host.

“Sinasabi niya na gusto niyang magka-baby kami ulit. Naku, maniwala ka, hindi pa siya handa. Kaya gusto ko ring umalis, e. Kasi yung bahay mismo itself dahil nagplano siya, ang daming plano niya sa bahay.

Napaka-OA ni Mariel. E, nagiging source pa ng kalungkutan niya,” banggit dati sa amin ni Robin. Pero may ni-reveal naman si Robin tungkol sa kanyang misis na may pagaka-James Bond.

Nautusan na pala niya si Mariel as his special envoy sa isang importanteng misyon sa kainitan ng kaguluhan noon sa Malaysia. “Inutusan ko na sa Sulu ‘yan, e, noong kaguluhan sa Saba.

Marami ang hindi nakakaalam na nagpaalam na ako noon, nagpaalam na ako kay Mariel. Talagang ready na kami noon na pumunta doon. Magre-reinforce kami, volunteer sa Sabah, noong nagkagulo.

E, parang, lahat ng way kasi hindi na kami makaalis. Naka-block na kami, e. Sasakay ako ng eroplano hindi ako makasakay kaya inutusan ko si Mariel.”

Dagdag pa ni Robin, “Sabi ko sa kanya, pumunta ka sa prinsipe. Binigyan siya ng authority ni Sultan Kiram to negotiate. Binigyan siya, huh! Hayop ang ginawa ni Mariel, nakasubok na ng James Bond ‘yan.

Pinasakay namin ng private plane ‘yan. Nagawa na niya ‘yan. Sumakay ‘yan sa boat. Pumunta siya doon na to assure na ready kami.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Hinihintay lang daw nila noon na suportahan sila ni Pangulong Noynoy bilang volunteers na magre-reinforce sa mga Pinoy sa Sabah na “sinugod” ng Malaysians.

Kaya raw noong nag-date sila ni Mariel sa Mamapasano after the Fallen 44 incident, nag-enjoy lang daw doon ang asawa niya. Nagulat lang daw si Mariel sa mga tangke na nakakalat sa Mamapasano.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending