Vice nagtangkang magpakamatay noong teenager | Bandera

Vice nagtangkang magpakamatay noong teenager

Ambet Nabus - June 16, 2015 - 02:00 AM

vice ganda

Inamin ni Vice Ganda sa It’s Showtime kahapon na tinangka niyang magpakamatay noong 19 pa lang siya dahil sa sobrang depresyon.

Ayon sa TV host-comedian napakarami na niyang paghihirap na pinagdaanan sa buhay pero dumating din ‘yung panahon na na-realize niya na hindi pala siya pinabayaan ng Diyos.

“Meron lang akong gustong i-share. Mabilisan lang. Kagabi kasi nu’ng nakahiga ako, sabi ko ang taray kasi apat na taon sunud-sunod, ako ‘yung binibigyan ng phenomenal box office award.

I am just so blessed. Bigla akong nagka-flashback,” ani Vice na ang tinutukoy ay ang tropeong tinanggap niya last Sunday sa Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation.

“Doon sa ilang nakakaalam sa istorya ng buhay ko, yung mga nakanood ng MMK ko dati, na-realize ko lang, kasi nu’ng 19 years old ako, nag-attempt ako mag-suicide sa sobrang depression.

Uminom ako ng kung anu-anong gamot. Muntik akong mamatay. Nagising na lang ako nasa ospital na ako. ‘Yun naman ang intention ko, ang magpakamatay dati.

“I am just so blessed na hinarang ng Diyos ‘yung pangit kong trip noong panahon na iyon dahil kung hindi, hindi ko na-experience lahat ng napakagagandang bagay sa mundo na nararanasan ko ngayon,” aniya pa.

Sabi pa ng komedyante, “Sa lahat ng mga batang may pinagdadaanan katulad ng mga pinagdaanan ko noon, kung ano man ang pangit na binabalak niyo, huwag niyong ituloy dahil may magandang plano ang Diyos.

Hang on, hawak lang, kapit lang. Your situation today is not your final destination.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending