Sa pag-aabroad aasenso (2) | Bandera

Sa pag-aabroad aasenso (2)

Joseph Greenfield - June 13, 2015 - 03:00 AM

Sulat mula kay Aira ng San Francisco, Bombon, Camarines Sur
Problema:

1. Tapos ako ng kursong HRM at marami na akong na-aplayang trabaho pero lagi pong ang sinasabi sa akin ay tatawagan na lang pero hindi naman ako tinatawagan. Nahihiya na ako sa mga magulang ko kasi sa edad kong ito 25 na sa darating na July 18, until now wala pa rin akong work.

2. Itatanong ko lang sana kung kailan po kaya ako magkakaroon ng regular at magandang trabaho at kung may pag-asa pa din kayang makapa-abroad ako kung sakaling sa ibang bansa ako mag-aaplay?

Umaasa,
Aira ng Camarines Sur
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Cancer (Illustration 2.) ang nagsasabing pagpasok na pagpasok ng buwan ng Setyembre hanggang Nobiyembre, tiyak ang magaganap, maraming magagandang swerte ang kusang darating sa iyo lalona sa career at sa buhay pag-ibig.

Numerology:
Ang birth date mong 18 ay nagsasabing habang suot mo ang kulay na pula, isang lalaking isinilang sa petsang 15, o kaya’y 24 ang tutulong sa iyo, upang mas madali kang makapagtrabaho sa ibang bansa.

Luscher Color Test:
Kaya nga, saang lugar ka man mapunta, lagi kang gumamit ng swerte mong kulay na pula at berde. Sa nasabing mga kulay tulad ng naipaliwanag na kusang darating sa iyo ang magagandang kapalaran na hindi mo pa nararanasan sa tanang buhay mo.

Huling payo at paalala:
Aira tunay ngang mahirap mag-aplay at maghanap ng trabaho sa panahon ngayon. Ngunit may “tamang timing” o “saktong panahon sa lahat ng bagay” sa silong ng langit. Kung saan ayon sa iyong kapalaran kung mag-aaplay ka na ngayon sa abroad, tiyak ang ma-gaganap sa taong ding kasalukuyan sa edad mong 25 pataas, sa buwan ng Setyembre o kaya’y Oktubre, pinaka-matagal na sa Nobyembre, may isang mabunga at mabiyayang pangingibang bansang itatala sa iyong kapalaran.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending