Sylvia Sanchez dumaan sa hirap, umaming tumikim din ng droga
USAPANG mag-ina muna tayo dahil natutuwa ako sa mga eksena ng mag-inang ito na mahal na mahal namin.
In real life, Ms. Sylvia Sanchez and Papa Art Atayde play wonderful parents to their four children. They are very good providers, good advisers, disciplinarians yet loving parents to all of them.
They don’t play favorites sa apat nilang mga anak – kung sino ang sa tingin nila ang nangangailangan ng pag-asikaso at certain points in time ay sila nilang pinagtutuunan ng extra pansin pero basically they treat their children equally.
Kaya ang mga bata ay lumalaking mabubuti at marespeto. Matagal na naming kakilala at kaibigan si Sylvia Sanchez kaya we saw how she grew in the industry – how she started in the business and how she takes good care of her career in the same way kung papaano niya inalagaan ang kaniyang pamilya.
She’s first and foremost a mom to her children, then a husband bago bilang alagad ng sining. Hindi naman sila nagkakalayo ng importance because she treats everything fairly and almost equally.
Mula’t sapul naman talaga ay nakitaan na ng industriyang ito ng malaking potensiyal bilang mahusay na aktres si Sylvia kaya kung anumang success ang tinatamasa nito ngayon ay fully deserved naman talaga niya.
Wala siyang sinasayang na pagkakataon and she has maintained her friendship with everyone squarely. “Marami rin akong pinagdaanang pagsubok sa buhay ko.
You know naman my past kahit paano, di ba? Pero hindi kailangang sumuko pag merong mga dumarating na trials, kailangang magpakatatag ka.
“Mula nang umalis ako sa probinsiya namin when I was 14 years old at nakipagsapalaran sa buhay dito sa Maynila, ang tanging ipinangako ko lang sa sarili ko, hindi ako babalik sa probinsiya naming salat sa buhay at walang award.
“Kaya talagang pinag-igihan ko ang trabaho ko at inaral mabuting mapaayos ang aming buhay. Salamat naman sa Diyos at hindi Niya ako…o hindi Niya kami pinabayaan.
“I am very blessed with a very loving husband and beautiful children. Kasi naniniwala akong kung ano ka ngayon ay choice mo iyon. “Kasi marami akong nakikitang dating mga sikat na sikat at mayaman na sana pero nagpabaya.
Karamihan sa kanila ay nagpakalulong sa kaway ng maraming bisyo. Hindi naman ako nagpapakaipokrita – I’ve tasted drugs too before pero ayoko talaga ng effect. Hindi ko gusto kaya hindi ko na inulit.
Kasi nga may pangarap ako, I want a comfortable life. “Kaya ko lang naman tinikman iyon para aware ako, para hindi naman ako magmukhang tanga or sobrang inosente pag ganito na ang pinag-uusapan.
“Ma-imagine mo ba kung anong buhay kaya meron ako ngayon kung sumama ako sa tawag ng bisyo? Kaya laking pasalamat ko sa Itaas at hindi Niya ako pinabayaan.
Basta kung anong konting meron ako, inaalagaan ko and hindi ako kailanman nagdamot sa kapuwa ko basta ba’t kaya ko lang. “It’s about sharing a little of what you have.
Masarap tumulong sa mga taong deserving ng tulong mo,” kuwento ni Sylvia na nakita naman natin kung paano umunlad ang buhay at kung gaano iginagalang sa industriya nating ito.
Nagbunga ng isa pa ang kaniyang pagiging mahusay na aktres. Her son Arjo Atayde is making a name for himself. Kahit bata pa si Arjo and barely new pa lang sa movie industry ay nirerespeto na bilang mahusay na aktor.
He proved to everyone kung gaano siya kahusay noon sa afternoon hit seryeng Pure Love with Joseph Marco, Yen Santos and Alex Gonzaga, remember?
Ngayon naman ay kasali siya sa Nathaniel and the soon-to-air na Ang Probinsiyano with no less but TV Primetime King Coco Martin.The other night ay napanood ko ang nakakapanindig-balahibo niyang eksena sa Nathaniel, nakakaloka sa husay sa pag-arte ni Arjo.
Tamang-tama ang timpla ng pag-arte niya sa eksena nila sa seryeng pinagbibidahan ni Gerald Anderson, yung iyak niya habang binabasa ang letter from his late brother na nag-iwan ng gift for him through Nathaniel.
Naiyak ako sa eksena ni Arjo na iyon. Ganda ng execution niya, hindi OA at hindi naman pa-underacting. It takes a very good actor para tuhugin ang mahabang scene na iyon with so much consistency.
Kaya lalo kong hinangaan ang batang ito at lalong tumaas ang respeto ko sa kaniya bilang alagad ng sining. At ang kaguwapuhan ni Arjo ay hindi instant – it grows with him. Sa totoo lang, napakalakas ng sex appeal ng bagets actor na ito habang tinititigan mo siya.
Don’t get me wrong, nasabi ko lang na malakas ang sex appeal niya pero wala akong pagnanasa sa kaniya, ‘no! Ha-hahaha! Anak ko lang iyan. Sinasabi ko lang para ma-realize ng iba. Kaloka!
Kaya ganoon na lang kung pahalagahan ng industriyang ito ang mag-inang Sylvia and Arjo. Bihira na tayong nakakatunghay ng ganitong mag-anak sa showbiz.
Anyway, abangan natin ang napakagandang role ni Arjo sa Ang Probinsiyano dahil tiyak na isa na naman itong pasabog.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.