Liza Soberano muntik masilipan sa stage ng ‘YFSF’; suot na tube palpak
NAKIUSAP ang Kapamilya princess na si Liza Soberano sa kanyang mga supporter na huwag nang i-bash ang ka-loveteam niyang si Enrique Gil at ang stylist na nagbihis sa kanya sa nakaraang grand showdown ng Your Face Sounds Familiar noong Linggo.
Naging guest performers kasi sina Liza at Enrique sa live finale episode ng YFSF last Sunday kung saan kumanta ang dalawa. Dito nga nagkaroon ng wardrobe malfunction ang dalaga.
Sa kalagitnaan ng kanilang production number, kitang-kita ng audience na bumababa ang tube top ni Liza kaya pilit niya itong itinataas. Ilang beses niyang inayos ang kanyang tube para hindi siya masilipan habang nasa stage.
Pero sa kabila nito, tuloy pa rin sa pagkanta ang young actress at hindi nagpakita nang pagkailang hanggang sa ending ng kanilang kanta ni Enrique.
Ilang minuto lang ang lumipas, naging mainit na topic agad sa social media ang kinasangkutang wardrobe malfunction ni Liza. Sinisi ng ilan ang stylist ng dalaga at meron namang nabwisit kay Enrique dahil wala man lang daw itong ginawa para protektahan ang kanyang ka-loveteam on stage.
Dito na nga nakiusap si Liza na sana’y huwag nang sisihin sina Enrique at ang taong nagdamit sa kanya sa nasabing show. “Respect Enrique please.
He was there for me just like any gentleman would be for a girl in trouble,” pakiusap ni Liza sa kanyang followers. Dugtong pa nito, “And please don’t be mad at my stylist it wasn’t his fault. Nobody wanted it.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.