SI Eula Valdez ang sinisisi ng ilang fans sa pagbagsak ng ratings ng Walang Hanggan.
Ang contention nila, nang maging bahagi ng top rating soap ng Dos si Eula ay bumaba na ang rating na ito.
Actually, two digit ang ibinaba nito, about 10%.
Sa over-all rating kasi ngayon ay 38% na lang ang rating ng soap nina Coco Martin at Julia Montes when it used to enjoy 49% rating before.
Magaling naman si Eula and we find her character to be very interesting.
Kaya lang, mukhang hindi siya nakatulong para ma-sustain ang interest ng televiewers para sa nasabing soap.
Could it be because the soap’s story has not been written very well? O, baka naman may sawa factor na sa face ni Papa Coco?
Baka naman nagsawa na rin sila sa pilit na pagpapaikot ng mga characters sa soap.
Halata naman daw na pinahahaba lang ang teleserye by adding some characters na, as it is, ay tila hindi naman nakatulong.
Sana’y makabawi ang Walang Hanggan dahil sayang ang iniwan nitong marka sa history ng telebisyon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.