Melindo bigong muli sa title fight | Bandera

Melindo bigong muli sa title fight

Mike Lee - June 01, 2015 - 12:00 PM

NABIGO uli si Milan Melindo na makatikim ng titulo sa nilasap na sixth-round technical decision pagkatalo kay International Boxing Federation (IBF) light flyweight champion Javier Mendoza kahapon sa Ensenada, Mexico.

Dalawang hurado ang nagbigay ng 60-52 panalo habang ang isa ay mayroong 59-53 iskor pabor kay Mendoza para mapanatiling suot ang titulong idinepensa sa unang pagkakataon.

Natigil ang laban sa 2:39 ng ikaanim na round dahil sa malaking putok sa kaliwang kilay dala ng accidental headbutt.

Kontrolado ng Mexican champion ang laban habang si Melindo ay ilang beses na natawagan ng low blow.

Sa ikalimang round ay binawasan ng puntos ang Filipino challenger dahil sa low blow at sa ikaanim na round ay nagkauntugan uli sila.

May 24-2-1 (19 knockouts) si Mendoza habang si Melindo ay natalo sa ikalawang pagkakataon sa 34 laban.

Ang unang kabiguan ni Melindo ay nangyari sa kamay ni Juan Francisco Estrada ng Mexico para sa World Boxing Organization (WBO) at World Boxing Association (WBA) flyweight title noong Hulyo 2013 sa Macau.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending