Kampo nina James at Nadine masama ang loob sa KathNiel fans | Bandera

Kampo nina James at Nadine masama ang loob sa KathNiel fans

Jobert Sucaldito - June 01, 2015 - 02:00 AM

james reid

GALIT na galit daw ang family at fans ni Kathryn Bernardo sa ginawa ng isang netizen na nambaboy sa youngstar.

Kasi nga, pineke ng kung sinumang baliw na ‘yun ang isang picture ni Kathryn at ipinatong sa isang nude photo. For some kasi ay paniwalang-paniwala na merong nude picture si Kathryn pero for many naman, alam nilang hindi talaga siya iyon.

Kaya hayon, nagpuputok sa galit ang KathNiel fans at ang pamilya ng dalaga. Gusto raw nilang maipakulong kung sinuman ang gumawa noon.

Piece of unsolicited advice lang po – bakit ninyo kailangang seryosohin ang ganoong ka-cheapan, eh alam naman ng lahat na photoshop lang iyon at alam ng buong mundong hindi naman talaga siya iyon? Who worry after all? Ang dapat sa ganiyang negativity ay deadma to the highest level – as if the issue doesn’t exist at all.

Napakarami namang ganyan – hindi na kayo nasanay. Dapat diyan ay pinagtawanan niyo na lang, hindi na pinapansin ang mga ganyang pambabastos, Hindi naman makakasira kay Kathryn iyan dahil hindi naman totoo, ‘no!

“OA din kasi minsan ang mga fans nila. Tapos ang mangyayari pa niyan, ibibintang na naman nila sa aming mga JaDine (James Reid and Nadine Lustre) fans ito.

Hindi naman talaga pinapansin ang mga ganyang uri ng paninira sa idolo nila, ‘no! Puwede ring mangyari kay Nadine iyan or any star for that matter. Napakaraming luku-luko sa net!” sabi ng isang JaDine follower.

Dapat ganoon ang handling diyan – DEADMA. Hindi yung nag-aalboroto talaga sila. Parang gusto nilang i-hype ang issue para mapag-usapan sila every minute. Tumigil na lang kaya sila sa kare-react.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending