Video ni Vice sa Araneta bastos daw, inireklamo ng netizens | Bandera

Video ni Vice sa Araneta bastos daw, inireklamo ng netizens

Alex Brosas - May 27, 2015 - 02:00 AM

vice ganda

Napuno ni Vice Ganda ang Araneta Coliseum and to validate his success ay binigyan siya ng Smart Araneta Coliseum ng GoldenDome Award dahil sa kanyang sold out concert kung saan umabot ng 18,000 ang nanood ng kanyang “Vice Gandang Ganda Sa Sarili Eh Di Wow!”

Talagang kinabog ni Vice ang ilang concert artists dahil siya yata ang unang pinagkalooban ng ganoong award. Hit na hit ang hipon vs. stallion segment ni Vice kung saan ipinakita niya ang bias sa mga taong guwapo at ang mga perception sa mga taong hindi naman kaguwapuhan.

Naging viral na ang video ng segment na iyon ni Vice where there were more than 22,000 views sa Facebook. Marami namang nag-react positively sa video although merong mga nabastusan dahil sa paghawak ni Vice ng abs ng mga dancers.

Ang cheap-cheap daw ng dating ni Vice dahil parang uhaw na uhaw daw ito sa lalaki. Hindi yata alam ng bashers ni Vice na part ‘yon ng pagpapatawa ng stand-up comedian. That’s part of the game,kumbaga.

And besides, touch lang naman ‘yun! Wala namang ginawa si Vice na kasumpa-sumpa o kasuka-suka. Isa pa, for adults nga ang concert, ano ba!!!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending