Sarah, Matteo nakipag-usap sa pari | Bandera

Sarah, Matteo nakipag-usap sa pari

Reggee Bonoan |May 26,2015
facebook
share this

Sarah, Matteo nakipag-usap sa pari

Reggee Bonoan - May 26, 2015 - 02:00 AM

sarah geronimo

NAGDIWANG ng kaarawan ang daddy ni Matteo Guidicelli sa kanilang mansion sa Ayala Alabang na dinaluhan ng malalapit na kaibigan ng kanilang pamilya.

Sitsit ng aming espiya dumating daw nang mag-isa si Sarah Geronimo sa nasabing okasyon, as in wala siyang kasamang alalay o mga chaperon.

Nakakagulat ito bossing Ervin, dahil ang ibig sabihin lang nito ay pinapayagan na si Sarah ng magulang niyang sina Mommy Divine at Daddy Delfin na mag-isang pumunta sa bahay ng boyfriend niya?

Ayon sa aming source, bago raw ang bonggang dinner sa napakalaking bahay ng mga Guidicelli ay nagkaroon muna ng misa bilang pasasalamat na rin ng may kaarawan at sa mga blessings na natatanggap ng buong pamilya.

Nakitang nagtsitsikahan daw sina Sarah at Matteo kasama ang magulang nito at ang pari na nagmisa para sa okasyon. Hhmmmmm? Pareho ba tayo ng iniisip? May kinalaman na kaya ito sa kasalan? He-hehehehe!

Nagbunga na nga ang pakikipaglaban ni Sarah kay Matteo dahil hindi na siya pinagbabawalan ng magulang at ganu’n din naman ang aktor na ipinakita rin niya sa buong pamilya ng Pop Princess kung gaano niya kamahal at nirerespeto ang singer-actress.

Mukhang hindi pa naman pinag-uusapan ng dalawa ang kasal dahil ang mga karera nila ang prayoridad nila pero base sa kuwento ng aming espiyang nasa party ay botong-boto raw ang magulang ni Matteo kay Sarah.

Sana nga boto na rin ang pamilya ni Sarah kay Matteo dahil hindi naman sila lugi sa aktor, kayang-kaya nitong buhayin ang dalaga at higit sa lahat, hindi naman babaero ang binata.

Speaking of Matteo ay malapit na palang ilabas ang bago nitong album mula sa Star Records at nakita silang nagmi-meeting sa Pamana Restaurant noong Linggo (tama ba?), kasama ng aktor ang head ng Star Records na si Roxy Liquigan at manager nitong si Jojie Dingcong.

Tsika ng katotong nakakita sa grupo ay nagkakatawanan daw at masayang-masaya ang lahat, at ang narinig nitong titulo raw ng album ng aktor ay “Divine Love”.

Natawa rin kami sa tsikang ito ng katoto dahil akmang-akma raw ang titulo ng album sa pinagdadaanan nito sa mommy Divine ni Sarah.

Binalikan namin ng tanong ang aming kausap kung seryoso bang ito nga ang titulo ng album ni Matteo, “E, ‘yun ang narinig ko, baka nga.”

Oh well, kung ito nga ang titulo ng album ni Matteo, e, tiyak na gagawa ito ng ingay ngayon pa lang, tama ba bossing Ervin? (Ha-hahaha! Korak na korak! – Ed)

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Samantala, ano kaya ang next project ni Matteo pagkatapos ng Inday Bote kasama si Alex Gonzaga na matatapos na nga sa darating na Biyernes?

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending