Pooh pumayag makipag-love scene kay K Brosas | Bandera

Pooh pumayag makipag-love scene kay K Brosas

Jobert Sucaldito |May 26,2015
facebook
share this

Pooh pumayag makipag-love scene kay K Brosas

Jobert Sucaldito - May 26, 2015 - 02:00 AM

pooh

Heto naman ang first comic offering ng bagong tayong Bagon’s Film ni Madam Dhel Tan – ang pelikulang “Espesyal Kopol” starring two of the country’s most sought-after comic performers both onscreen and live – Pooh and K Brosas, sa direksiyon ng kaibigan naming si Neal Buboy Tan.

Tiyak daw na sasakit ang tiyan niyo sa katatawa sa mga antcis ng dalawang magaling nating komedyante.  June 3 na pala ito ipapalabas sa mga sinehan kaya ganoon na lang ang kabog sa dibdib nina Pooh and K dahil hindi lang pala sa Pilipinas ito mapapanood, it will also be shown in Canada and some parts of America.

“Masaya ang film na ito, dati ko ng script ito tungkol sa isang tomboy at baklang nagsama bilang mag-asawa kuno. Pero ang totoo niyan, pareho silang manggagantso actually.

May kaniya-kaniyang kuwento ng buhay na di kanais-nais. Masaya ang film, kung anu-anong kagagahan ang pinasok nila mula nang mapadpad sila sa Manila from their respective provinces,” ani Direk Neal Tan.

Riot nga raw ang movie na ito, ayon sa publicist nilang si Dani Batuigas. May mga kakaibang love scenes daw sina Pooh at K. Nakakaaliw daw ang mga kalokahan ng dalawang lead stars nila.

Of course, hindi naman puwedeng sila lang ang stars dito – kasama rin siyempre sina Manuel Chua, Gene Padilla, Isadora, Pia Moran, Emma Villanueva, J Pranco, Benz Sangalang, Witney Tyson, John Romano, Danny Labra, Ruby Ruiz, Eddy Tuazon, Jackstone 2, Jack ‘n Poy at marami pang iba.

Honestly, na-miss ko ang ganitong klaseng films, yung feel-good lang – yung tatawa ka lang nang tatawa. Kasi nga, kung hindi puro drama at rom-com na walang ginawa kungdi ang bolahin ang public sa ilang mga ka-chean ng buhay, mas gusto ko pang humalakhak na lang nang humalakhak para maibsan ang kahirapan ng buhay at init ng panahon.

Kaya tara na – go na sa mga sinehan para makigulo sa “Espesyal Kopol”. Sa title pa lang panalo, di ba? Pinoy na Pinoy, pati spelling. Ha-hahaha!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending