Nanay ni SARAH nainis kay GERALD dahil hindi raw nagbibigay ng regalo? | Bandera

Nanay ni SARAH nainis kay GERALD dahil hindi raw nagbibigay ng regalo?

|July 06,2012
facebook
share this

Nanay ni SARAH nainis kay GERALD dahil hindi raw nagbibigay ng regalo?

- July 06, 2012 - 03:47 PM

Kaya bumalik sa pagiging ‘kontrabida’

ANG dami kong naririnig na kung anik-anik about Mommy Divine, ang ina ng Pop Princess na si Sarah Geronimo.

Magbe-beinte quatro na si Sarah pero wala pa rin daw itong kalayaan sa buhay.

Lahat ng kilos daw ng dalaga ay kailangang may approval pa rin ng kanyang ina.

Hindi lang sa pagpapalakad ng karera ng bata ang sinasaklawan diumano ng kanyang ina – pati damdamin daw nito ay parang gusto ring diktahan.

Kulang na lang pati ang paghinga ni Sarah ay ihingi pa nito ng permiso.

Why is this so? Babae raw kasi ang anak niya kaya kailangan daw nitong protektahan.

Baka raw kasi malihis ng landas kaya kailangang listo ang nanay nito.

Mula’t sapul ay hindi raw talaga na-enjoy ng dalaga ang kanyang youth – to the point that she thought na iyon ang normal sa buhay niya. Kasi nga, hindi raw ito nabibigyan ng kalayaang mag-enjoy kahit noong bata pa siya.

Hindi raw basta-basta nakakakain ng ice cream o chocolates dahil palaging sasabihin sa kanya na masisira ang boses niya.

Meaning, kailangang de-numero lahat ng galaw niya.

At pati nga raw ang pagtibok ng puso ng actress-singer ay kailangang may blessing ni Mommy Divine.

Okay naman kami sa mga magulang na nagbibigay ng advice sa mga anak nila pero sana naman ay alalay lang, hindi yung sila na lang lagi ang nagdedesisyon.

Bigyan naman sana nila ng kalayaan ang mga anak nilang magdesisyon para sa kanilang sarili para sa pagtanda nila ay marunong din silang dumiskarte ng sa kanila lang.

Pero iba raw ang nangyayari sa kaso ni Sarah.

Kung naaalala n’yo pa, tumibok ang puso ni Sarah nu’ng panahong close pa sila ni Rayver Cruz.

Kaya lang, ang kanilang relasyon ay hanggang sa text lang na hindi pa gaanong madalas.

Kindatan lang sa rehearsals at bihirang magkaroon ng chance na makapag-usap.

Hanggang sa nawalan na nang gana si Rayver at napunta kay Cristine Reyes.

Leaving Sarah in pain.

Paano naman kasi, ni hindi nga yata mahawakan ni Rayver ang mga kamay ni Sarah dahil itsura raw ng dobberman kung makabantay si Mommy Divine.

Kaya hindi mo rin masisisi si Rayver kung kusa na lang itong lumayo kay Sarah kahit sabihin pa nating mahal niya ang dalaga.

After Rayver ay pumasok sa eksena itong si Gerald Anderson.

Marami nga ang nagulat dahil pinayagan daw ni Mommy Divine noon si Gerald na pasyalan sa bahay nila si Sarah at palagi raw natutuwa ang buong angkan ni Sarah dahil laging may bitbit na regalo si Gerald para sa kanilang lahat, at mga signature items, ha!

But noon iyon pero recently daw ay bigla na namang nagbago ang sitwasyon.

Nahalata na raw kasi ni Mommy Divine na parang naiin-love na raw ang dalawa kaya inilayo na naman ng ina ang kanyang dalaga kay Gerald.

Hindi na rin daw kasi nagreregalo si Gerald tulad ng dati, iyan ang chika ng mga fans ni Gerald na nakausap namin.

Para kaming nanlumo sa isyung ito, para namang hikahos sila sa buhay na kung tutuusin ay super yaman na ni Sarah and they can afford to buy anything that they want.

Bakit kailangang umasa sa bonggang mga regalo ng ibang tao?

Baka hindi naman totoo ang tsismis na ito.

Sa laki ba naman ng kinikita nila, kahit buwan-buwan ay puwede silang ipag-shopping ni Sarah sa mga mamahaling stores, ‘no! Kaya para sa amin ka-cheapan ang isyung ito.

At yung dapat sana’y pelikulang pagsasamahan uli nina Sarah at Gerald ay hindi na raw matutuloy dahil ayaw na raw ni Mommy Divine.

Sarah is turning 24, not that young para hindi makaranas ng yakap at halik ng isang boyfriend.

Nasa tamang edad na rin siya to make decisions for herself.

Kahit halimbawa’y ayaw ng parents niya ng ganoon, at this age and time ay puwede naman niyang kausapin ang mga ito na payagan na siya. She’s not a kid anymore.

She has to learn to slowly live an independent life.

Pero sabi naman ng iba, ang paghihigpit ng mga parents niya sa kanya at ang pagsunod ng dalaga sa mga ito ay blessings ang kapalit.

But ang nakakatakot talaga dito, ay baka nga biglang magrebelde si Sarah at gumawa ng mga bagay na maaaring pagsisisihan din niya sa huli.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sana nga ay huwag itong mangyari sa kanya .

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending