Jed Madela 3 linggong nawalan ng boses dahil sa kabibirit | Bandera

Jed Madela 3 linggong nawalan ng boses dahil sa kabibirit

Ervin Santiago - May 24, 2015 - 02:00 AM

jed madela

SINORPRESA ng world singing champion na si Jed Madela ang kanyang fans nang biglaang i-release ang kanyang pinakabagong album na “Iconic” sa Spotify nitong buwan.

Talaga namang ‘iconic’ rin ang itinuturing na biggest album ng Star Music ngayong 2015 dahil ito ang kauna-unahang album na ini-release sa bansa nang walang announcement.

Patunay ng pagiging bigatin nito ang unique versions ni Jed ng sikat na hits ng music icons gaya nina Madonna (Like A Prayer), Mariah Carey (Love Takes Time), Celine Dion (That’s The Way It Is/ feat. 5thGen), at Whitney Houston (Didn’t We Almost Have It All).

Si Jed ang unang male Filipino artist na nag-release ng album tampok ang hits ng nabanggit na singing superstars. “For a time, may balitang nawala na raw ang boses ko dahil nagkasakit ako, at papatunayan ko sa album na ito na I still have it.

May mga ginawa ako sa album na ito na hindi ko pa nagagawa, at malalaman niyo ‘yun kapag pinakinggan niyo ang ‘Iconic,’” pahayag ni Jed.

Three weeks nawalan ng boses si Jed kaya talagang doble na ang pag-iingat na ginagawa niya para hindi na ito maulit pa. Laman din nito ang kauna-unahang duet sa isang album ni Jed kasama ang Asia’s Songbird na si Regine Velasquez-Alcasid sa awiting “Somewhere Over the Rainbow.”

Kakaibang tunog din ang hatid ng “Iconic” sa ilang tracks nito na may timplang EDM – ang remake ng pop ballad ni Christina Aguilera na “Beautiful,” “Like A Prayer (Brian Cua Sunset Remix),” “Beautiful (Moophs Remix),” at ang orihinal na komposisyon ni Jed na “Welcome To My World,” na nagsisilbing opening at closing tracks ng album sa dalawang bersyon nito.

Kabilang din sa track list ng “Iconic” ang remake ni Jed ng “Evergreen” ni Barbra Streisand, “Don’t Wanna Lose You Now” ni Gloria Estefan, “If Love is Blind” ni Tiffany, at “You Mean the World to Me” ni Toni Braxton.

Ang “Iconic” ay naglalaman ng 14 tracks na ipinrodus nina Jonathan Manalo at Jed. Mabibili ito sa record bars nationwide sa halagang P350 lamang.

Maaari na ring madownload ang digital tracks sa pamamagitan ng online music stores katulad ng iTunes, Mymusicstore.com.ph, Amazon.com, at Starmusic.ph.

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending