Gerald na-trauma, ayaw nang magkadyowa ng taga-showbiz | Bandera

Gerald na-trauma, ayaw nang magkadyowa ng taga-showbiz

Ervin Santiago - May 24, 2015 - 02:00 AM

gerald anderson

Kahit anong pilit ng entertainment press kay Gerald Anderson na sagutin ang mga naging pahayag ni Maja Salvador tungkol sa ilang rason ng kanilang break-up ay nagmatigas pa rin ito na huwag nang magsalita pa.

Sey ni Gerald nagsalita na siya about this at hanggang du’n na lang ang masasabi niya. Ayaw na ring patulan ng aktor ang sinabi ni Maja na siya raw ang nakipaghiwalay sa aktres dahil sa ilang personal niyang problema na dapat ayusin.

Basta aniya, masaya siya ngayon sa mga nangyayari sa kanyang career, may mga bago siyang endorsements at napakataas ng rating ng Primetime Bida series nilang Nathaniel.

Inamin naman ng hunk actor na hindi pa siya handa sa ngayon na makipagrelasyon uli, sabi niya sa interview ng ABS-CBN, “It’s not even…wala. I can’t even answer that kasi wala talaga eh.”

“Basta ang number one priority ko is just my family and my work so I can’t even answer (kung handa na siyang magkaroon ng bagong girlfriend). Nandoon pa ako eh, wala pa,” ani Gerald.

Natanong din siya kung mas gugustuhin ba niyang non-showbiz na lang ang susunod na dyowa niya para walang masyadong intriga? “I don’t know, hindi ko alam.

Ang hirap magsalita dahil ang liit ng mundo namin, you know. Pagdating sa love wala pa tayong masasabi pa talaga.” Dito muling isiningit ng Kapamilya leading man na naka-focus siya ngayon sa seryeng Nathaniel kung saan kasama niya sina Shaina Magdayao, Isabelle Daza, Coney Reyes at Marco Masa na gumaganap bilang ang anghel na si Nathaniel.

Tuwang-tuwa sila dahil sa napakagandang pagtanggap ng madlang pipol sa kanilang programa na gabi-gabing nagbibigay ng magagandang aral sa mga manonood.

“Kanina nga nakaupo ako dito nakita ko ‘yung ratings kahapon. It’s amazing. Nakakatuwa kasi sabi ko patas na patas. So we’re just very happy na nase-send namin ‘yung mensahe ng show sa mga tao at they are responding to it,” anang aktor.

Dugtong pa niya, “Kasi we are going through hard times as a country, ang daming nangyayari sa atin. And the show, for 30 minutes, nagbibigay ng hope.

‘Yung problema kasi na nangyayari sa Nathaniel is related, nangyayari sa Pilipinas, sa atin. (But) at the end of the day there’s always hope and ‘yun ang naiibigay namin sa tao.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending