Doktor naingayan, bibig ng menor de edad na buntis pinasakan ng sanitary napkin | Bandera

Doktor naingayan, bibig ng menor de edad na buntis pinasakan ng sanitary napkin

Ruel Perez - May 21, 2015 - 03:19 PM

Sanitary Napkin

Sanitary Napkin

INAKUSAHAN ang isang doktor ng Pasay General Hospital ng child abuse matapos umanong pasakan nito ng sanitary napkin ang bibig ng isang buntis na menor-de-edad habang nangangak ang biktima.

Sa isang reklamo ng ina ng biktima na si Elsa 33, janitress, at residente ng Rivera Village, Pasay City, sinabi niya na isinugod niya ang 16-anyos na dalagita sa Pasay City General Hospital matapos itong makaramdam ng pananakit ng tiyan.

Idinagdag ni Abello na nag-iiyak sa sakit ang anak dahil sa nararamdamang sakit.

Dito na umano nakatanggap ng masasakit na salita ang dalagita mula sa doktor ng ospital.

Nang dinala na ang biktima sa delivery room, pinasakan umano ng doktor, na nakilala sa pangalang Dr. Liza,  ng sanitary napkin ang bibig ng buntis na nagle-labor.

Ayon sa ina ng biktima, sasampahan nila ng reklamo ang doktor at maging ang pamunuan ng ospital dahil sa paglabag sa Republic Act 7610 o Anti-Child Abuse law.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending