Jolo Revilla idiniin sa mga kasong Alarm and Scandal at Obstruction of Justice
Kinakalampag pa hanggang ngayon ng mga otoridad ang naganap na aksidenteng pagkabaril ni Vice-Governor Jolo Revilla sa kanyang kanang balikat dalawang buwan na ngayon ang nakararaan.
Dalawang kaso ang ipinukol sa batambatang pulitiko, obstruction of justice (kasama ang mga doktor niya sa Asian Hospital) at alarm and scandal, pinananagot siya sa dalawang asunto.
Nakalulungkot lang isipin na sa halip na tantanan na lang ng mga otoridad ang aktor-pulitiko ay ginigipit pa, hindi naman gusto ni VG Jolo ang nangyari, humingi na nga ng dispensa ‘yung tao sa kanyang kapabayaan.
Hindi sila pinapasok sa ospital nu’ng inooperahan ang aktor-pulitiko dahil walang basbas ng mismong pamilya ng pasyente. Maingat ang mga ospital pagdating sa kapribaduhan ng kanilang mga kliyente.
Ano naman ang kanilang dahilan sa kasong alarm and scandal, nangyari ba ang aksidenteng pagkabaril ni VG Jolo sa kanyang balikat sa isang pampublikong lugar, may kapaligiran bang naiskandalo nu’ng mga oras na ‘yun at may ibang tao bang nasaktan sa insidente?
Sana naman ay magpasalamat na lang sila dahil nakaligtas sa indulto ang batang pulitiko, walang naganap na senaryong sapat para ikabagsak ng kalooban ng pamilya Revilla, nakakulong na nga ang ama ay gusto pa rin bang gipitin ng mga taong walang magawa pati ang anak?
Kapag tinititigan nga naman, oo!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.