Gerald asar-talo kina Sarah, Kim at Maja | Bandera

Gerald asar-talo kina Sarah, Kim at Maja

Ervin Santiago - May 19, 2015 - 02:00 AM

kim chiu

NAG-TRENDING topic sa social media noong Linggo ang pagsasama-sama sa isang segment ng ASAP 20 ng tatlong babae sa buhay ni Gerald Anderson.

Tila nanunukso ang pagsampa ng tatlong ex-girlfriend ni Gerald na sina Sarah Geronimo, Kim Chiu at Maja Salvador sa stage ng ASAP nang sama-sama last Sunday afternoon – kaya naman ang tanong ng netizens, ano kaya ang naramdaman ng Kapamilya matinee idol nu’ng mga oras na ‘yun? Ha-hahaha!

Kung matatandaan, matagal ang naging relasyon nina Gerald at Kim dahil na rin sa dami ng ginawa nilang serye at pelikula. Nagsimula ang kanilang love affair sa loob ng Pinoy Big Brother house.

Hindi man diretsong umamin, marami ang naniniwala na naging dyowa rin ni Gerald si Sarah. Balitang hindi boto ang magulang ni Sarah kay Gerald hanggang sa magkahiwalay din ang dalawa.

Nauwi rin sa hiwalayan ang naging relasyon nina Maja at Gerald. Naging kontrobersiyal pa nga ito dahil hindi nagustuhan ni Kim ang pagiging magdyowa ng dati niyang best friend sa kanyang ex-boyfriend.

Pero komento nga ng mga nakapanood ng ASAP noong Linggo, parang gustong iparating ng tatlong Kapamilya actress kay Gerald na naka-move on na silang lahat sa pakikipag-break sa kanya.

Tila gusto nilang isampal sa mukha ni Gerald na wala silang pinagsisisihan sa pakikipag-break sa kanya sa iba’t ibang panahon.

Sey pa nga ng ilang netizens, wala silang naramdamang anumang awkwardness sa tatlong regular performers ng ASAP, in fact, ramdam na ramdan ng viewers na enjoy na enjoy sila sa ginagawa nila.

Nakuha pa nga nina Kim at Maja na biruin si Sarah matapos mag-promote ng kani-kanilang mall shows para sa kanilang respective albums.

Sey ni Maja, “Ang tindi natin mag-promote. E, yung totoong singer talaga…mahiya naman tayo.” Hirit naman ng Pop Princess, “Okay ‘yang ginagawa n’yo girls, very inspiring.”

Ang sigaw naman ni Kim kay Sarah, “Hinahangaan ka namin!” Kasama rin nilang tatlo sa stage si Alex Gonzaga na ipinagmalaki rin ang kanyang album, kaya biro nito kay Sarah na nakasama rin niya sa The Voice, “Coach, may album kaming tatlo! Nahihiya ka ba? May album kaming tatlo!”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending