Grace Poe pumalag kay Binay: Mas kailangan ng bansa ang tapat na lider | Bandera

Grace Poe pumalag kay Binay: Mas kailangan ng bansa ang tapat na lider

- May 18, 2015 - 06:45 PM

grace poe
BUMANAT na rin si Sen. Grace Poe kay Vice President Jejomar Binay sa pagsasabing mas kailangan ng bansa ang mga tapat na lider. “Alam mo totoo tama naman sya, kailangang may karanasan at kakayanan pero higit sa lahat, katapatan,” sabi ni Poe.

Sinagot ni Poe ang naunang pahayag ni Binay na hindi dapat ipagkatiwala ang bansa sa isang pulitiko na walang karanasan at kakayahan. “Alam mo sinuportahan nila nun si President Cory na ang unang-unang qualification ay pagiging tapat.

Sa tingin ko naman hindi sa haba ng serbisyo ang kailangang batayan kung hindi kalidad ng serbisyo at katapatan,” dagdag ni Poe.Kasabay nito, hinamon ni Poe si Binay na humarap sa imbestigasyon ng Senado at sagutin ang mga alegasyon ng korupsyon laban sa kanya.

“Para sa akin mapapatunayan lalo nya kung magpakita sya at eeksplika nya ang mga paratang sa kanya. Hindi lang yung mga tagapagsalita nya kasi kahit ako hindi maipagkakaila, may pinagsamahan kami kaibigan namin sya pero hindi din namin sya nakakausap tungkol dito,” dagdag ni Poe.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending