Egyptian pyramids gawa ng mga aliens? | Bandera

Egyptian pyramids gawa ng mga aliens?

- July 01, 2012 - 04:55 PM

Ni Bella Cariaso

ANG mga Egyptian pyramid ay mga sinaunang hugis pyramid na gawa sa bato na matatagpuan sa Ehipto.

Tinatayang may 138 pyramid ang nadiskubre sa Ehipto.

Karamihan dito ay itinayo para sa mga Pharaoh noong panahon ng Old at Middle Kingdom.

Sinasabing ang mga pinakaunang Egyptian pyramid ay matatagpuan sa Saqqara, hilagang-kanluran ng Memphis.

Isa na rito ang Pyramid of Djoser (itinayo noong 2630 BCE–2611 BCE) na sinasabing itinayo noong panahon ng third dynasty.

Ang pyramid na ito at ang istraktura sa palibot nito ay dinisenyo ng arkitekto ng Imhotep at itinuturing na pinakamatandang monumentong istraktura sa mundo gamit ang bato.Ayon sa nakatala, umabot umano sa libu-libo hanggang sa 100,000 ang mga manggagawa ng pyramid.

Ang mga pinakatanyag na Egyptian pyramid ay matatagpuan sa Giza, sa kahabaan ng Cairo.

Karamihan sa mga pyramid sa Giza ay itinuturing na pinakamalalaking istraktura na itinayo.

Ang Pyramid of Khufu sa Giza ang pinakamalaking Egyptian pyramid.

Ito lang ang isa sa Seven Wonders of the Ancient World na hanggang ngayon ay makikita pa rin.

Ngunit sa kabila ng sinasabing mga Ehipto ang gumawa ng mga pyramid, may kumukuwestiyon pa rin kung talagang ito ay gawa ng ordinaryong mamamayan o ng mga alien.

Kabilang sa sinasabing ebidensiya na ito ay gawa ng mga alien ay ang pyramid ay nakalinya na eksakto sa magnetic North Pole, na kung saan ang diperensiya lamang ay 16 na minuto.

Sinasabing imposible na ang mga Ehipto ang gumawa ng pyramid na nasa harap mismo ng magnetic North Pole nang walang ginamit na compass.

Ang compass ay naimbento ilang libong taon makalipas ang ancient Egyptians.

Isa pa umanong ebidensiya na may kinalaman dito ang mga alien ay makikita ang araw sa eksaktong pagitan ng Great Pyramid of Giza at isa pang pyramid.

Para umano magawa ito ng mga Egyptians, kailangan alam nila kung kailan ang summer solstice at kung gaano kahaba ang taon na nalaman lamang matapos mawala na ang mga ancient Egypt.

Bukod pa rito, ang posisyon umano ng tatlong Pyramids of Giza ay eksaktong katulad ng tatlong bituin sa Belt of Orion, pati na ang posisyon ng mga ito at laki.

Samantala, ang katawan ng Sphinx— ang monster na isang leon na may ulo ng tao—ay kasing sukat ng ulo ng leon at hindi ng ulo ng tao.

Ang ulo umano ng tao na nasa Sphinx ay maliit at hindi akma sa katawan nito.

Ito ay dahil umano ang Sphinx ay ginawa noong 10,500 BC kasabay ng panahon na ginagawa ang mga pyramid, na may totoong ulo ng leon.

Ang magpapatunay umano nito ay ang pagkakaroon ng water erosion sa palibot ng Sphinx.

Nangyari umano na walang tubig sa kalapit, bukod sa Nile ay noong 10,000 BC. Ang constellation of Leo, ang leon na katulad ng Sphinx ay matatagpuan direkta sa likuran ng araw noong 10,500 BC.

Kaya’t hindi umano ang mga Egyptians ang nagtayo ng mga pyramid at maging ng Sphinx kundi ang mga alien na bumaba noong 10,500 BC.

Itinayo nila ang Sphinx na may ulo ng leon na kasukat ng Belt of Orion, gayundin ang constellation ng Leo.

Makalipas ang ilang libong taon, ipinag-utos ni Ramses, ang diktador-pharaoh ng Ehipto na palitan ang ulo ng leon at ilagay ang kanyang ulo.

Ngunit dahil hindi naman magaling ang mga Egyptians sa pag-ukit ng bato, maliit ang ulong nagawa.

Isa pa umanong ebidensiya ay kung kukunin mo ang perimeter ng isang pyramid ito ay eksaktong number pi o 3.14159 ang sukat nito.

Sinasabi rin umano na mahilig ang mga Egyptians na itala ang lahat ng kanilang ginagawa, kung sino ang kanilang mga naging hari, ang giyera na kanilang nilabanan at maging ang mga istrakturang kanilang itinayo, ngunit wala umanong nakatala hinggil sa mga pyramid.

Bukod pa rito ang bigat umano ng mga bato ginamit sa pagtatayo ng pyramid ay tinatayang aabot sa dalawang tons kada isa o 4,000 lbs.

Para umano patunayan na hindi ordinaryong tao ang gumawa ng mga pyramid, isang grupo ng makabagong scientists ang nagtangkang magtayo ng pyramid na kasinglaki ng mga toto-ong pyramid gamit ang makabagong teknolohiya ngunit makalipas umano ang 100 araw, ang naitayo lamang ay 1/40 ang laki kumpara sa mga pyramid sa Ehipto.

Samantala, noong Disyembre 2010, maging umano ang head ng Cairo University Archaeology Department na si Dr. Ala Shaheen ang nagsabi na posibleng may katotohanan na tinulungan ng mga alien ang mga ancient Egypt na itayo ang mga pinakamatandang pyramid, ang Pyramid of Gaza.

“I cannot confirm or deny this, but there is something inside the pyramid that is not of this world,” sabi pa umano ni Shaheen.

Sinasabing nagulat ang mga delegado sa conference hinggil sa arkitektura ng sinaunang Ehipto.

Bagamat tumanggi na si Shaheen na magkomento pa hinggil sa UFO at alien.

Sinasabing nadiskubre ng Russia ang isang libingan ng Alien Humanoid sa Ehipto na mismong nasa loob ng pyramid.

Maging ang mga sinaunang mga sulat ng mga Egyptians ay tumatalakay sa mga kakaibang bagay sa langit, ang pagbubukas ng langit, mga maliwanag na ilaw na bumababa sa kanila para sila turuan at bigyan ng kaalaman.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

(Editor:  May tanong, su-hestyon, reaksyon o komento kayo sa artikulong ito? I-text ang inyong pangalan, edad, lugar at mensahe sa 091780-
52374)

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending