Pag-aabroad na lang ang tanging inaasahan | Bandera

Pag-aabroad na lang ang tanging inaasahan

Joseph Greenfield - May 17, 2015 - 12:30 PM

Sulat mula kay Julie Anne ng Savana Bucana, Davao City

Dear Sir Greenfeild,

Pito kaming magkakapatid at ako ang panganay, ulila na kami sa ina at ang tatay naman namin ay walang trabaho. Mula kasi ng mamatay ang nanay namin dahil sa sakit, wala nang ginawa ang aming tatay kundi ang maglasing hanggang sa natanggal siya sa kanyang trabaho. Sa ngayon ako na lang inaasahan ng mga kapatid ko, kasi may trabaho ko kaya lang tindera lang sa palengke. Kaya sa ngayon nag-aaplay ako abroad kahit DH lang dahil hindi naman ako nakatuntong ng kolehiyo. Naisipan kong kumunsulta sa inyo upang itanong kung may pag-asa ba akong makapangibang bansa at kung matutuloy ako magiging maganda naman kaya ang kalagayan ko sa ibang bansa at mabibigyan ko kaya ng magandang kinabukasan ang mga kapatid ko na nakababata sa akin? July 19, 1988 ang birthday ko.
Umaasa,
Julie Anne ng Davao City
Solusyon/Analysis:
Palmistry:

Wag ka ng malungkot Julie Anne sapagkat may malinaw namang Travel Line (Illustration 1-1 arrow 1.) sa iyong palad. Tanda na basta’t magsikap ka lang sa pag-aaplay tiyak ang magaganap, darating ang takdang panahon makapangingibang bansa ka.

Cartomancy:

King of Clubs, Five of Clubs at Six of Diamonds ang lumabas (Illustration 1.) Ang mga baraha ang nagsasabing sa tulong ng isang lalaki na dati mo ng kakilala, sa taon ding ito ng 2015 o kaya’y sa susunod na taong 2016 sa buwan ng Mayo o kaya’y Hunyo, tiyak ang magaganap, may isang mabung at mabiyayang pangingibang bansang itatala sa iyong kapalaran.
Itutuloy….

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending