Dennis: Mas wild sa kama si Ellen Adarna kesa kay Maja!
MAS wild ka-love scene si Ellen Adarna kesa kay Maja Salvador. Ito ang diretsong inamin ni Dennis Trillo nang tanungin tungkol sa maiinit na eksenang ipinagawa sa kanila sa pelikulang “You’re Still The One”.
Ayon kay Dennis, meron silang tatlong sex scene ni Ellen sa movie na idinirek ni Chris Martinez: meron sa sofa, sa kama at may isa pa sa kwarto. Meron din silang tatlong bed scene ni Maja na kinunan daw sa iba’t ibang bahagi ng bahay, kabilang na yung ginawa nila sa loob ng shower room.
Sabi ni Dennis, kinabahan daw talaga si Ellen sa mga ginawa nila sa pelikula, sa katunayan, kinailangan pa raw nitong gumawa ng mga “ritwal” para maitawid lang ang kanilang love scene.
Kuwento naman ni direk Chris, nu’ng tinanong daw niya si Ellen kung kaya niyang gawin ang mga ipagagawa niyang intimate scenes kasama si Dennis, umoo naman daw agad ang sexy actress at nag-dialogue pa ng, “Siyempre direk, Dennis Trillo na ‘yan, ‘no! Aarte pa ba ko?”
Pero nu’ng kinukunan na raw ang mga nasabing eksena ay doon na inatake ng nerbiyos si Ellen. Ibang-iba naman ang ginawang atake ni direk Chris sa mga sex scene nina Dennis at Maja at hindi rin daw nagpatalbog ang Kapamilya leading lady sa mga ginawa ni Ellen sa “You’re Still The One” na showing na sa May 27.
Sey ni Maja, napapayag siyang magpaka-bold sa nasabing pelikula dahil naniniwala siya sa proyekto, bukod pa diyan, matagal na rin niyang gustong makasama sa isang proyekto si Dennis.
“Nu’ng sabihin nga sa akin na si Dennis ang makaka-partner ko, umokey agad ako, go! Tapos nu’ng basahin ko na yung script…sabi ko, patay, naka-oo na ‘ko. Ha-hahaha!”
Pero sey ni Maja sa bed scene at shower scene nila ni Dennis, “Hindi naman bastos ang pagkakagawa. Realistic pa rin ang dating. Hindi lumabas na bastos yung mga eksena. Nagpakita kami rito, yes…nagpakita kami ng pagmamahal.”
Dagdag pa ng aktres, “Basta panoorin n’yo na lang kasi mahirap siyang ikuwento, kailangang mapanood n’yo siya nang buo para alam n’yo kung saan nanggagaling yung mga karakter namin.”
Bukod kay Dennis, meron ding love scene sina Maja at Richard Yap sa movie, biro nga ng ex-girlfriend ni Gerald Anderson, “Sabi ko kay papa Chen, isipin na lang niya si Mama Chen habang ginagawa namin ‘yung mga eksenang ‘yun!”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.