Pacquiao nakauwi na sa GenSan
BAGAMAT nabigo sa kanyang unified welterweight title fight kay American boxer na si Floyd Mayweather Jr., dinagsa pa rin ng mga tao ang hero’s welcome para kay Filipino boxing superstar Manny Pacquiao sa General Santos City kahapon ng umaga.
Si Pacquiao at ang kanyang pamilya ay dumating sa General Santos City airport bandang alas-8:35 ng umaga sakay ng isang Philippine Airlines flight.
Si Pacquiao ay sinalubong ng kanyang ina na si Dionisia sa airport kasama ng kanyang mga tagasuporta at fans na nagbigay sa kanya ng masayang pagsalubong na naaayon naman para sa isang hometown hero.
Sinabi naman ng kampo ni Pacquiao noong Huwebes na ikakansela sana nito ang pag-uwi sa GenSan matapos na magdugo ang kanyang kanang balikat noong Miyerkules kung saan sumabak siya sa isang motorcade na nagsimula sa Makati at bumisita sa mga media companies sa Quezon City.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.