Nakarma si Napoles, susunod na si Binay | Bandera

Nakarma si Napoles, susunod na si Binay

Ramon Tulfo - May 16, 2015 - 03:00 AM

NASENTENSIYAHAN ang Pork Barrel Queen na si Janet Lim-Napoles ng Makati Regional Trial Court ng habambuhay na pagkabilanggo dahil sa serious illegal detention na isinampa sa kanya ng dating empleyado.

Wala pa riyan ang kasong plunder na inihain laban kay Napoles ng gobyerno dahil sa diumano paglapastangan niya at ng kanyang mga kasamahan sa Priority Development Assistance Fund (PDAF).

Ang kanyang mga co-accused sa plunder na mga tanyag ay sina dating Senate President Juan Ponce Enrile, Senator Jinggoy Estrada at Senator Bong Revilla.

Ang kasong plunder ay walang piyansa kaya’t nasa piitan ngayon ang tatlong senador.

Natapos na rin ang mga maliligayang araw ni Napoles na kumita ng
bilyong-bilyong piso dahil sa ilegal na paggamit ng pera ng PDAF sa pama-magitan ng mga proyekto na hindi naman ginawa.

Sa serious illegal detention na isinampa sa kanya ni Benhur Luy, na kanyang pinsan at dating finance manager, ay mabubulok na si Napoles sa bilangguan.

At wala pa nga riyan ang plunder case na, kapag siya’y nasentensiyahan muli ng korte, ay double-whammy para sa kanya: Dalawang beses ng habambuhay na pagkabilanggo.

Sa aming mga Bisaya, ang tawag sa naging mapait na kapalaran ni Napoles ay gaba.

Ang gaba ay parusa ng sanlibutan sa mga ginawa mong pagkakasala sa
iyong kapwa.

Malaking pagkakasala ang ginawa ni Napoles dahil ninakaw niya ang pera ng taumbayan.

Sa mundong ibabaw, walang kasalanan na di pinagbabayaran.

At wala ring magandang ginawa na hindi ginagamtimpalaan.

Ito’y batas ng karma o tinatawag sa Ingles na The Law of Cause and Effect.

Ang karma o gaba ay dumarating na may katiyakan.

Kung tiyak na dumarating ang karma, masasabi nating tiyak na pagdurusahan ni Vice President Jojo Binay ang ginawa niyang paglustay ng pera sa kaban ng bayan bilang mayor noon ng Makati City.

Kahit na anong gawing sangga ng mga Binay ay darating sa kanila ang karma.

Nilalagay ang pera na nakamkam ng mga Binay bilang mayor ng Makati—si Jojo, ang kanyang asawa na si Elenita at anak nilang si Junjun—sa bilyong-bilyong piso.

Inamin ni Congresswoman Abigail Binay, anak na babae nina Jojo at Elenita, na kumita ang kanilang pamilya ng mahigit na P650 milyon sa 28 taon na nasa serbisyo sila.

Ang nasabing halaga—kahit na katiting sa estimate ng kanilang tunay na kayamanan– ay napakalaki para sa isang opisyal ng gobyerno, na gaya ni Jojo Binay, na dumedepende lang sa suweldo.

Wala namang negos-yong malaki ang mga Binay, paano nila kinita ang gaanong halaga?
Mabalik tayo kay Benhur Luy na nagsampa ng demandang serious illegal detention sa kanyang pinsan at dating employer na si Napoles.

Kung hindi pa niya ninanakawan si Napoles at siya ay nahuli—kaya’t siya’y ikinulong nito sa isang bahay—ibubunyag kaya ni Luy ang kalokohan ng kanyang amo?

Dumeretso na si Luy sa mga “suki” ni Napoles na mga kongresista at
inaagawan na niya ang kanyang amo sa negosyo.

In other words, he was also engaged in stealing money from the citizenry.

Kaya lang hindi dinamay si Luy sa kasong plunder ay dahil siya’y ginawang state witness.

May kasabihan na ang magnanakaw daw ay galit sa kapwa magnanakaw.

Galit si Napoles at Luy sa isa’t isa dahil sila’y parehong magnanakaw.

Sa mga taong gustong ipasa ang Bangsamoro Basic Law (BBL), pakinggan ninyo ang dating Chief Justice na si Reynato Puno:

“I do not understand why we (the government) are the ones who are scared by negotiating from a position of weakness.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“We are the State. If this will lead to war, if this is the price of defending the Constitution, preventing the dismemberment of the Republic, so be it.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending