Susuwertehin sa negosyong tindahan (2)
Sulat mula kay Deserie ng Ginsangan, Sto. Nino, Cotabato
Problema:
1. Kabababa lang ng mister ko galing barko, seaman kasi ang kanyang trabaho. Ayaw o tinatamad na raw siyang sumakay uli kaya naisipan naming magtayo ng tindahan. May naipon naman po siyang pera kahit na papaano at ito ang binabalak naming ipuhunan sa naiisip naming negosyong tindahan.
2. Itatanong ko lang po kung masuwerte ba sa aming mag-asawa ang negosyong tinadahan? October 23, 1980 ang birthday ko at June 14, 1978 naman ang mister ko.
Umaasa,
Deserie ng Sto. Nino, South Cotabato
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Libra (Illustration 2) at Gemini naman ang mister mo (Illustration 2.) ang nagsasabing bukod sa tindahan mapalad din kayo sa negosyong may kaugnayan sa pagkain, higit lalo kung ang nasabing pagkain ay ilalako ninyo sa ibat-ibang lugar. Dagdag dito susuwertehin din kayo sa negosyong “rolling store” o kaya nama’y pagde-dealer at pagde-deliver ng ibat-ibang mga produkto.
Numerology:
Ang birth date mong 23 at 14 naman si mister ay nagsasabing ang magiging hudyat ng inyong pagyaman ay sa panahong nakabili na kayo ng sariling sasakyan. Kapag may sasakyan na kayo pilitin ang maging plate number ay 555 upang lalo at mas mabilis pa kayong yumaman.
Luscher Color Test:
Panatilihin namang gamitin bilang opisyal na kulay sa inyong negosyo ay ang kulay na pula. Sa kulay na pula, at puwede rin ang silver at iba pang kulay na metal, mas mabilis kayong uunlad at yayaman.
Huling payo at paalala:
Deserie ayon sa iyong kapalaran tugma at suweto sa inyong mag-asawa ang negosyong tindahan, higit lalo kung kayong dalawa ng mister mo ang laging tatao sa inyong tindahan. Sa ganyang paraan at negosyo, tiyak ang magaganap, kung magsisimula na kayo ngayon taong ito ng 2015, sa susunod na taong 2016 sa edad mong 36 pataas at 38 naman ang mister mo, mararamdamam nyo na ang unti-unting pag-unlad at pag-asenso ng inyong negosyo hanggang sa tuluyan na kayong yumaman.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.