Maja: Ipagdasal na lang natin, sana maayos na ang pinagdadaanan niya! | Bandera

Maja: Ipagdasal na lang natin, sana maayos na ang pinagdadaanan niya!

Ervin Santiago - May 16, 2015 - 02:00 AM

gerald anderson

SI Gerald Anderson ang nakipaghiwalay kay Maja Salvador. Ito ang tinutumbok ng mga naging pahayag ni Maja Salvador nang makorner siya ng ilang entertainment reporters sa launching ng bago niyang album na “Maja: In Love”.

Ayaw na sanang magsalita ng Kapamilya singer-actress tungkol sa break up nila ni Gerald dahil may kani-kanya na uli silang buhay ngayon pero ayaw din niyang may masabing hindi maganda ang press kapag tumanggi na naman siyang magpa-interview.

Unang nilinaw ni Maja ang isyung si Paulo Avelino ang isa sa mga rason kung bakit naghiwalay sila ni Gerald, katambal ng aktres si Paulo sa seryeng Bridges Of Love at balitang pinagselosan daw ito nang todo ni Gerald .

“Ay, hindi po! Wala pong kinalaman sa (si Paulo). Ayoko lang po talaga magdetalyado. Tulad ng sinabi ko, ayoko na idetalye. Pero hindi ko alam kung ano man talaga yung rason niya, kung ano man pinagdadaanan niya.

Ipagdasal na lang natin na sana maging maayos kung ano’ng kailangan niya ayusin,” esplika pa ni Maja. Feeling ba niya naging unfair si Gerald sa kanya nang magdesisyon itong makipaghiwalay dahil may kailangan itong ayusin sa kanyang sarili?

“Ganu’n naman talaga ang buhay. Kailangan tanggapin,” tugon ng aktres. Mas lalong gumanda at sumeksi ngayon si Maja kaya biniro siya ng press na tila mas nag-bloom siya after ng break-up nila ni Gerald, at mukhang ang bilis din niyang maka-move on? “Siyempre pinapahalagahan ko naman yung two years na yun.

Du’n sa two years na yun, may love, e. So, yun na lang ang papahalagahan ko. “And after that, kailangan mo lang tanggapin na yung journey niyo dun sa love na yun is nag-end na. Kung may sakit pa? Wala na.

Ngayon masaya, magaan, nakakapagtrabaho ako nang maayos na maayos. Dun ako naka-focus talaga. Ang daming dumadating na mas magagandang bagay.

“Kung ano man yung nag-end, tapos na yun. Huwag na natin balikan pa. Huwag nang paulit-ulit na tanungin tungkol dun. Tapos na yun,” chika pa ni Maja.

Pero tumanggi na itong sumagot kung nag-uusap pa rin sila ni Gerald at kung nananatili pa rin silang magkaibigan matapos ang hiwalayan.

Posible pa ba silang magkabalikan? “Kung para sa ‘yo, para sa ‘yo talaga. Naniniwala ako sa ganun. Ang ibang bagay, huwag mo nang ipilit. Kung anong magandang dumadating, yun lang ang i-welcome mo.”

Samantala, tiniyak ni Maja na kung nag-enjoy ang kanyang mga fans sa first album niyang “Maja: Believe”, mas magugustuhan n’yo raw ang kanyang bagong album na “In Love” under Ivory Records dahil mas maraming makaka-relate na Pinoy sa mga bago niyang songs, kabilang na nga ang nakaka-LLS (last song syndrome) na “Bakit Ganito Ang Umibig”.

Lahat ng kanta sa album ng award-winning actress ay ipinrodyus ni Jonathan Ong na siya ring sumulat ng hit single ni Maja sa unang album niya, ang “Dahan-Dahan”.

Ang iba pang songs na mapapakinggan sa “Maja: In Love” ay ang “Habulan”, “Nakawin Ang Sandali”, “Gaano Kalayo?” (feat. Sam Milby), “Hiling” (feat. Rayver Cruz), at ang “Love Me, Kill Me”. Available na ito sa favorite n’yong music stores nationwide.

In fairness, feel na feel ni Maja ang message ng song na tila true to life ang peg sa kanyang pinagdaanan recently. Pero sey ng aktres, November pa lang ay na-record na niya ito at sila pa noon ni Gerald kaya hindi niya pwedeng sabihin na ang ex-BF niya ang pinatatamaan niya sa kanta.

Marami rin ang pumupuri sa iginanda ng boses ni Maja na very distinctive ang timbre na ikinatuwa naman nito sabay dialogue ng, “Nu’ng bata pa ako, mahilig na ako kumanta kahit sa banyo pa lang.

Pero ngayon mas nailalabas ko na yung boses ko and yung nga yung mga gusto kantahin nakakanta ko lalo na kung may mall show.” Sa isyu pa rin ng pagkukumpara sa kanila ni Kim Chiu na nag-release din ng kanyang second album kamakailan, “Hindi mo maiiwasan iyon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Nu’ng nagkita nga kami ni Kim, kinanta ko pa nga sa kanya yung kanta niya eh. Isa ako sa mga sumusuporta, unang-una, siya naman yung nagkaroon ng unang album yung ‘Crazy Love’. Siyempre, kaibigan ko siya so susuportahan ko siya.”

Gaganapin naman ang grand album launch ni Maja sa May 17 sa Robinson’s Mall Manila (Ermita) kaya go and watch na!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending