Inday Bote ni Alex patok sa mga bagets dahil sa mga dwende
Patindi na nang patindi ang tensyon sa top-rating primetime drama series ng ABS-CBN na Inday Bote ngayong mag-uumpisa na ang malaking pagbabago sa buhay ng karakter ng Kapamilya TV host-actress na si Alex Gonzaga.
Sa pagpapanggap ni Andeng (Alora Sasam) na siya ang nawawalang apo ni Lita (Alicia Alonzo), mas iinit na ang mga tagpo sa Inday Bote lalo na at lumalakas ang pagdududa ni Fiona (Aiko Melendez) na si Inday (Alex) ang matagal nang hinahanap ng pamilya Vargas.
Maitatago ba ni Fiona sa lahat ang katotohanan kapag nakumpirma niya na si Inday nga ang nawawalang si Kristal? Paano magbabago ang buhay ni Inday sa oras na matuklasan niya kung sino ang tunay niyang pamilya?
Huwag palampasin ang kapana-panabik na kwento ng pangarap at hiwaga sa Inday Bote, gabi-gabi, bago mag-TV Patrol sa ABS-CBN Primetime Bida.
Samantala, tuwang-tuwa naman ang ilang manonood sa chemistry nina Alex at Matteo Guidicelli sa Inday Bote. Napakalaki na rin ng improvement sa acting ni Matteo at nagagawa na nitong makipagsabayan sa veteran stars na kasama nila sa serye.
Hindi siya nagpapatalbog sa madadrama at challenging scenes nila ni Alex at Aiko Melendez. Pero feeling namin, patuloy na nananalo sa ratings game ang Inday Bote dahil sa makukulit at masayahing mga dwende ni Inday.
Sila kasi ang talagang inaabangan ng mga bagets sa fantaserye ng Dreamscame Entertainment.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.