Cristine naospital, napraning sa anak | Bandera

Cristine naospital, napraning sa anak

Ervin Santiago - May 16, 2015 - 02:00 AM

cristine reyes

NAOSPITAL si Cristine Reyes dahil sa labis na pag-aalala sa kanyang anak na si Amarah. Nakalimutan niya raw kumain nu’ng araw na ‘yun kaya biglang sumakit ang tiyan niya at sumama ang pakiramdam.

Ayon sa sisteraka ni Ara Mina, mahirap, pero masarap daw ang maging first time mommy. Mabuti na lang daw at nandiyan ang partner niyang si Ali Khatibi na katuwang niya sa pag-aalaga sa kanilang baby.

Hanggang ngayon daw kasi ay nag-a-adjust pa rin sila sa pagiging magulang. “Kung dati parang makulit lang, ngayon very conscious na ako. Madaming adjustments at sobrang daming ginagawa kay Amarah.

Kami talaga ‘yung nag-aalaga sa kanya.”At first walang yaya, ngayon mayroon na akong yaya. Hindi namin mapahawakan ni Ali kung kani-kanino, hindi namin maiwan.

Minsan na-ospital ako dahil nakalimutan kong kumain dahil nag-aalala lang ako. Siguro ganoon talaga kapag first time tapos bagong panganak,” paliwanag ni Cristine sa isang interview.

Inamin din ni Cristine na kahit daw bumalik na ang dati niyang katawan, nararamdaman niyang may mga pagbabago na rin sa sistema niya matapos ngang manganak.

“Parang ngayon mas mabilis akong mapagod. Parang pumunta lang ako sa main building pumunta at kabilang building eh hingal na hingal na ako,” aniya.

“Emotionally, right now parang masyadong sensitive ang damdamin. Kunwari may mapanood kang nakakatawa, sobrang tawang-tawa ka na. Kapag may napanood kang nakakaiyak, iyak ka naman nang iyak,” chika pa ni Cristine.

Pero pahayag ng dating sexy actress, ibang-iba ang kaligayahang nararamdaman niya ngayong nanay na siya. “I can’t really say if I’m complete but all I can say is I’m very happy.

I don’t know kung paano ko i-express ang feeling ko towards my baby pero sobrang joy lang ang nararamdaman ko,” ani Cristine.

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending