Payo kay Katrina: Wag iurong ang demanda laban kay Hayden!
Expected na namin ang kasunod na scenario – na iuurong na ni Katrina Halili ang demanda niya laban kay Hayden Kho.
Pero hindi iyon tama. Hindi porke’t nagkabati na sila nina Hayden at Dra. Vicki Belo ay dapat na niyang iurong ang mga kasong isinampa niya kay Hayden.
Mawawalan ng saysay ang justice na kanyang hinihingi. Nasira ang buhay ni Katrina dahil sa sex video kaya dapat lang na magbayad ang sinumang may kasalanan, ‘no! Hindi porke maka-Diyos na si Hayden ngayon ay iuurong na ni Katrina ang kaso? Sana’y may magpayo kay Katrina na hindi iyon ang tamang gawin.
Kailangang tapusin pa rin niya ang laban na sinimulan niya para may maparusahan sa kasalanang ginawa nila. Ano kaya ang masasabi rito ni Sen. Bong Revilla na nakipaglaban din para kay Katrina noon?
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.