Resbak ni Ruffa sa mga kasamahan niya sa Paparazzi ng TV5
ALIW na aliw kami sa Paparazzi episode kahapon lalo na sa blind items ng mga katoto sa segment na “Paparazzabog” dahil walang takot nilang binanggit sa ere ang mga salitang “dyog _, putatsing at pampasikip” kaya naman ang mga host na sina Ruffa Gutierrez at Mr. Fu ay panay ang puna sa mga showbiz writers na sina Mercy Lejarde at John Fontanilla.
Nabanggit pa ni Ruffa na nakakaloka ang mga termino ng aming mga katoto dahil nakikinig daw ang mga anak niyang sina Lorin at Venice.
Baka raw tanungin siya kung ano ang ibig sabihin ng mga nasabing salita.
At bukod du’n, nagwo-worry din ang dalawang host na baka suspendihin din sila ng MTRCB.
Okay naman ang takbo ng show, maayos ang one-on-one interview ni Nay Cristy Fermin kay Phillip Salvador para sa segment niyang Caught by Cristy at nagustuhan din namin ang segment ni Mariel Rodriguez kung saan ikinukuwento niya kung saan-saang lugar siya nagpunta noong nasa Amerika kasama ang buong Will Time, Bigtime para sa launching ng TV5.Nakaalis na kami ng bahay kahapon kaya hindi namin inabutan ang segment na “Bulong” na ang topic ay si Ruffa Gutierrez.
Talaga raw ikinaloka ng TV host-actress ang mga tanong sa kanya nang pabulong.
Nagulat na lang kami ng may mga nag-text sa amin ng, “Galit na galit si Ruffa sa writers ng Paparazzi, binastos daw siya, birthday pa naman daw niya. Nag-quit na siya sa Paparazzi.”
Hanggang sa mabasa namin sa Twitter account ni Ruffa ang mga maaanghang na salita niya tulad ng, “Hindi ako natutuwa sa birthday presentation ng Paparazzi para sa akin.
Wala kayong k’wenta at wala kayong respeto.
“The msg from Habitat For Humanity & Ms. Faith of Avon Philippines was heartwarming but what happened after that was a disgrace! Hindi n’yo man lang naisip na nanonood ang mga anak ko! Yung head ng Progress Gold Milk of Wyeth was at the studio, my friends were watching.
“Binastos ako ng Paparazzi on my birthday. I’m so sorry but THE BUZZ would never do this to me. EVER!
“From this day on, I will no longer be part of Paparazzi.
I will never tolerate DISRESPECT in any I refuse to be part of trashy reporting that degrades people or shames others.
I know God will provide work for me in other ways so I can take care of my daughters,” sunud-sunod na tweets ng TV host.
Nagtataka naman kami sa violent reaction ni Ruffa, e, bago naman siya sumalang sa segment na ‘yun ay tiyak na-brief na siya kung ano ang mangyayari at higit sa lahat, may basbas naman ito ng bossing ng programa.
Bukod dito, hindi naman naririnig o malalaman ng viewers ng Paparazzi kung ano ‘yung itinanong sa kanya ng pabulong, ang mga sagot lang niya ang maririnig.
Ano ang pambabastos doon? Bakit masyadong pikon si Ruffa kahapon?
May pinagdadaanan ba siya bago siya pumunta sa show?
O, masyado siyang nag-expect na mala-prinsesa ang birthday episode niya?
Galit na galit siya sa writers ng show – bakit at anong dahilan?
O, baka naman kasi hindi na naman siya nakinig habang ipinapaliwanag sa kanya ang mga mangyayari sa show?
May mga pagkakataon daw kasi na kapag bini-brief siya ng staff ay hindi siya gaanong nakikinig kaya kung minsan ay hindi siya aware sa mga nangyayari.
‘Yung ganu’ng attitude, hindi ba ‘yun pambabastos sa staff ng programa?
Isang mapagkakatiwalaang source ng TV5 ang nagsabing, “Panindigan ni Ruffa ang pagre-resign niya sa Paparazzi dahil kung matatandaan niya, nakailang walk out na siya noon, pero sila ang sumusuko.
Maraming puwedeng ipalit kay Ruffa at hindi siya kawalan sa show.”
Samantala, tinext din namin kahapon ang head ng creative and entertainment ng TV5 na si Perci Intalan tungkol dito pero hindi kami sinagot dahil may meeting daw ang kanilang boss.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.