Mga netizen hinanap si Mommy D sa laban nina Pacquiao at Mayweather
“Where is Mommy D?”
Ito ang tanong ng mga netizen nang hindi makita si Mommy Dionisia Pacquiao na mas kilala bilang Mommy D sa laban ni Manny Pacquiao at ni Floyd Mayweather, Jr.
Nagtatanong ang mga netizen kung ano ang ginagawa ni Mommy D sa kasagsagan ng laban ng kanyang anak.
Kabilang sa mga tweet ay, “Any updates on Mommy D? I hope she is doing well.”
Isa pang netizen ang nag-tweet na,”patiently waiting for Mommy D’s interview.”
Sabi naman ni @imlexterjames, “Nasaan ba kasi si Mommy D? di nya tuloy nagamitan ng kung anong magic o chant tsk hah.”
Ayon naman kay @squishysatan:”someone call the docter mommy d is overdosed.”
Matatandaang sinabi ni Mommy D na balak niyang magtirik ng kandila sa mismong laban ni Pacquiao at Mayweather.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.