Pacman binalaan: Wag mo nang idamay ang diyos sa suntukan!
BEFORE the supposed execution kay Mary Jane Veloso, tahimik ang kampo nina P-Noy and Manny Pacquiao. Wala kang maramdamang meron silang ginagawa o gagawin para maisalba ang ating OFW sa firing squad.
Though si P-Noy, sa recent meeting with the Indonesian president, meron na kaming feeling na isa sa ibinulong niya roon ay ang pagpaliban sa execution kay Mary Jane – ang babaeng nagpuslit ng maraming amount of heroine sa kanilang bansa.
That’s part of a leader’s duty lalo na pag ang isang kababayan niya ay nagkakaso sa ibang bansa, ang mag-appeal for reprieve.
Yes, milyun-milyong mga Pinoy ang nagdasal, nag-vigil at talagang taimtim na nagsumamo sa Itaas na iligtas ang kababayan natin dahil naniniwala silang inosente talaga si Mary Jane, kumbaga, she looks innocent naman kasi talaga pero siyempre, we have to wait for further investigation regarding this case.
Ang mahalaga ay hindi itinuloy ang kaniyang kamatayan – yung ibang naka-sked lamang ang nasama sa firing squad. God forbid! Ito na, rightafter ng pagkaligtas ni Mary Jane, agad na pumutok ang balita mula sa kampo ni P-Noy na siya raw ang nagligtas kay Mary Jane – leaving all our prayers aside.
Kumbaga, siya na naman ang bida – o di sige – siya na ang nagligtas kay Mary Jane. Hindi na kailangang magtalo pa, kungsabagay, part naman iyon ng kaniyang responsibilidad to protect our OFWs dahil siya ang head ng state natin.
Ang hindi ko lang kinaya ngayon ay ang pagsigaw naman ni Bob Arum, ang coach ni Manny Pacquiao na busy sa kaniyang paghahanda sa malaking laban kay Mayweather today (sa Amerika at bukas naman mapapanood sa atin sa Pinas) na kung hindi raw dahil sa sulat ni Manny kay Indonesian president ay malamang na tapos na si Mary Jane.
Kumbaga, inaagaw naman ng kampo ni Pacman ang credits sa pagkaligtas ni Mary Jane. Oh no! Pati ba naman dito ay meron pang agawan ng credits? Ano ba naman itong si Pacquiao, lumalala na ang kahanginan.
At balak daw niyang dalawin ang presidente ng Indonesia right after the fight para pasalamatan. Hasus! Huwag nga kayong mag-grandstanding. Is this a sign na tototohanin nga ni Pacman ang kumakalat na balitang balak niyang tumakbong presidente ng Pilipinas.
Huwag naman, Lord, please…ngayon lang ako makikiusap sa iyo ng malakihan, huwag Niyo naman pong payagang nalagay ang bansa namin sa lalong kahirapan at katatawanan.
Ano ang tingin nila sa Pilipinas – malaking boxing rink? Itong kampo ni Pacquiao na ito, parang mga bobo. Ginagawang laro ang pulitika natin. This is something very sacred na dapat igalang, ‘no!
The Office of the President is a sacred office na hindi dapat ginagawang katatawanan. This is not a comedy show, OK?
What happens if Pacquiao becomes president? Mapapalitan na ng boxing ang national sports natin? Hindi na sipa? Ang magiging national dance natin ay hindi na tinikling kungdi ballroom dancing na ni Mommy D? Parang mga baliw itong nagbibigay ng ilusyong puwedeng maging presidente si Pacquiao.
Pag nangyari iyon, hindi na ako magsu-showbiz journalist, lilipat na ako sa politics at wala akong gagawin kungdi ang tirahin sila nang tirahin hanggang sa mamatay ako.
Isasakripisyo ko na lang ang buhay ko huwag lang masira ang mga pangarap ng mga anak natin. Very heroic, di ba? Ha-hahaha! Nauulol na ba sila?
At sana, tigilan na nina Pacquiao ang sobrang panggagamit sa pangalan ng Diyos sa nalalapit niyang laban kay Mayweather.
Baka akala niya ay natutuwa ang Panginoon sa kaniya sa labang pisikal na ito.
Bawal ang ganitong laro sa mata ng Diyos, hindi ba nila alam? Deliberate na sinasaktan ng mga boksingero ang kanilang kalaban para manalo. Ayaw ng Diyos ng nananakit actually tayo ng kapwa, alam ba ni Pacman iyon na sobra pa namang relihiyoso kuno?
Hay naku, ang mga kababayan talaga natin ay hindi nag-iisip kadalasan nang maayos. Kaya nakakaloka na kung minsan. Okay ang magdasal pero huwag masyadong gamitin ang pangalan Niya sa mga bagay na alam naman nating hindi Niya gusto.
Sa palagay ba ninyo, gusto ng Panginoon na merong naglalaban ng pisikal, na makikitang duguan ang isa at pag minalas ay tigok pa? Sige nga, sagutin ninyo nang maayos na hindi pa-pilosopo.
Ipabasa niyo sa akin kung saang verse ng Bibliya nakasaad na puwedeng magsuntukan ang dalawang tao even in the name of sportsmanship. Tapos gagamitin ninyo ang Panginoon sa bawat kibot ni Manny Pacquiao.
Kakakoka ang mga ito, oo. Manny Pacquiao for PRESIDENT! Isang malaking kaululan!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.