IBINUNYAG ng National Narcotics Agency na may 60 pa na sangkot sa droga ang nahaharap sa firing squad sa Indonesia.
“Around 60 people sentenced to death for drug trafficking are waiting their turn to be executed,” ani agency head Anang Iskandar sa isang press conference sa Jakarta.
Binitay noong Miyerkules sa Nusakambangan Island ang walong mga death convict, kabilang na ang tatlong Nigerian, dalawang Australian, at tig-iisa mula sa Brazil, Ghana,at Indonesia.
Nauna nang ipinagpaliban ang bitay sa French na si Serge Atlaoui.
Ipinagpaliban din ang bitay sa Pinay na si Mary Jane Veloso. (John Michael Tamayo)
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
What's trending