Ejay awang-awa sa mga pulis, planong sumabak sa politika | Bandera

Ejay awang-awa sa mga pulis, planong sumabak sa politika

Julie Bonifacio - May 01, 2015 - 03:00 AM

EJAY FALCON

EJAY FALCON

EMOSYONAL ang Kapamilya star na si Ejay Falcon habang ikinukwento ang mga karanasan niya sa pagganap bilang si Police Senior Inspector Rennie Tayrus, na isa sa Special Action Force (SAF) commandos na nasawi sa Mamasapano tragedy, sa Maalaala Mo Kaya.

Magkaibigan ang role nila ng aktor na si Coco Martin sa two-part special tribute sa Fallen 44 sa MMK. At gumanap naman bilang girlfriend ni Coco sa kwento si Angel Locsin. Kaya kung love story ang kina Angel at Coco, kwento naman ng relasyon ni SAF commando Rennie sa kanyang pamilya ang inilahad sa MMK.

“Yung tatay niya kasi noong bata siya binu-bully siya. So, ‘yun, tapos hindi sila masyadong close ng tatay niya. Hanggang sa nag-SAF na siya, namatay ‘yung tatay niya. So, ‘yung nanay na lang. Basta makikita sa episode na ‘to ‘yung background, ‘yung back story kung bakit siya naging ganoon,” lahad ni Ejay.

Dahil sa paggganap ni Ejay bilang SAF commando, na-realize niya na napakaswerte niya. Hindi raw niya kailangang ilagay ang sa rili niya sa bingit ng kamatayan para buhayin ang kanyang pamilya.

“Ah, sila, ‘di ba ginagawa nila ang trabaho nila, pero nandoon sila nakikipagbakbakan, nakikipagbarilan. Ayun, napaka-swerte ko. A, mas mahalin mo ang magulang mo kasi syempre napakaigsi lang ng buhay para lang, ‘di ba? Kasi ‘yung nangyari doon, hindi sila nagkikita tapos bigla siyang namatay,” pahayag pa niya.

Wish ni Ejay after portraying the role of a SAF commando sa MMK, sana raw mabigyan ng hustisya ang naganap na insidente sa Mamasapano.

“Hindi ko alam kung paano, pero ‘yun nga, after nito parang gusto ko ring maging SAF. Pero ah, naisip ko dito sa episode na ‘to na parang hiniling ko lang na kung pwede lang humiling sa gobyerno ng posisyon para lang maayos ‘yung, kung paano sila, ‘yung kalagayan ng SAF,” diin niya.

Tinanong namin siya kung sumagi rin ba sa isip niya na pasukin ang politika para makabuo ng batas na tutulong sa SAF.

“Ay, malayo pa po. Nandito pa lang po ako. Nangangapa pa po ako sa showbiz career ko. Dito muna tayo,” ngiti niya.

Sa ngayon, pinag-aadya talaga na ginawa niya ang epsidoe na ‘to sa MMK dahil naging instrumento raw sila para ipakita sa mga tao ang totoong nangyari sa Mamasapano.

And as for his co-stars sa special episode ng MMK na parehong first time niyang nakatrabaho, marami raw siyang natutunan especially kay Coco.

“Inoobserbahan ko lang siya may natutunan na ako, e. Humble si Coco. Gusto ko siyang maging kaibigan. Si Angel naman, napaka-humble niya, napakabait.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ipalalabas ang ikalawang bahagi ng episode nina Coco, Ejay at Angel sa MMK ngayong Sabado, 7:15 p.m.. Ang two-part episode ay sa direksyon ni Garry Javier Fernando sa panulat nina Arah Jell Badayos at Benson Logronio. Ang MMK ay pinamumunuan ng business unit head na si Malou Santos.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending