Para raw patunayang hindi siya nagsisinungaling
Biglang lumitaw ang nagpapakilalang tunay na ina raw ni Angeline Quinto na si Gng. Veronica Tolentino at nagpainterbyu na nga ito sa The Buzz.
Ayon mismo sa taong malapit kay Angeline, “Naku, matagal ng gustong magpainterbyu niyan, ayaw sanang patulan kasi nga baka alam mo na, lagi na lang may nagpapakilalang nanay ni Angeline.
Di ba dati, meron din, marami sila.
Pero itong si Veronica, siya lang ang willing magpa-DNA test, so kakaiba naman.
“Hindi kami makapag-react kung totoo ang sinasabi niya, kasi kung totoo ang sinasabi niya, ibig sabihin, nagsisinungaling lahat ng kamag-anak ni Angeline? ‘Yung mga nagpalaki sa kanya, nagsinungaling?
“Kaya mahirap i-weigh kasi maraming nagsasabi kung sino talaga ang nanay ni Angeline, tapos ito, iba naman ang kuwento. Kaya DNA talaga test ang sagot diyan,” paliwanag sa amin.
Tinanong namin kung bakit pinayagang mainterbyu ng The Buzz ang nasabing ginang gayung puwede itong makagulo sa career ni Angeline na tahimik na naman ang buhay ngayon.
“Actually, matagal ng nagsasabi, nagwawala na nga, e, pinayagan na namin at ipinaalam na rin namin kay Angeline kesa naman sa iba pa magpainterbyu, baka mas lumala pa ang sitwasyon at alam mo na, so pinalabas na lang namin.
“Bahala na si Angeline diyan pag nagkausap sila. Mararamdaman naman niya kung nagsasabi ng totoo nga ‘yung ale.
“Para matapos na rin, kasi mahirap din sa part ni Angeline na hanggang ngayon ay hindi pa niya nakikita ang nanay niya, though kumpleto naman siya sa pagmamahal, pero iba pa rin kasi, eh.
So, hintayin natin kapag nagkita sila,” pahayag sa amin ng aming kausap.
Kararating lang ng Pilipinas ni Angeline ngayong araw galing sa “Pinoy Champs” series of shows sa Amerika at Canada kasama sina Jovit Baldivino, Marcelito Pomoy at Yeng Constantino kaya wala pa siyang reaksiyon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.