Veloso tumangging pirmahan ang notice of execution na itinakda sa April 28 | Bandera

Veloso tumangging pirmahan ang notice of execution na itinakda sa April 28

- April 26, 2015 - 03:22 PM

Mary Jane Veloso

Mary Jane Veloso

SINABI kahapon ng Department of Foreign Affairs (DFA) na tumangging pirmahan ni Mary Jane Veloso ang notice of execution kung saan itinatakda ang kanyang pagbitay sa pamamagitan ng firing squad.
Sa isang pahayag, sinabi ni DFA spokesperson Assistant Secretary Charles Jose na ganap na alas-8:22 ng gabi noong Sabado nang iniulat ng isang opisyal mula sa Philippine embassy sa Indonesia na nakatanggap na ang 30-taong-gulang na si Veloso ng abiso para sa kanyang bitay na itinakda sa Abril 28.

“At 8:22 p.m. (Saturday) night, Manila time, our embassy rep [who] attended the meeting at Nusakambangan reported that Mary Jane was issued the letter of execution but she, lawyer, and embassy did not sign it, reasoning that there’s a pending 2nd appeal,” sabi ni Jose.

Idinagdag ni Jose na ang tanging pinirmahan lamang ni Veloso at ng kanyang mga abogado ay isang sulat na nagpapatunay na ayaw nilang pirmahan ang notice of execution.

Nauna nang sinabi ng DFA noong Biyernes na naghain sila ng ikalawang apela para sa kaso ni Veloso na kung saan ginamit nilang argumento na siya ay biktima ng human trafficking.
Inilipat si Veloso sa Nusakambangan Island Prison kung saan isasagawa ang kanyang bitay.

Umapela na rin si United Nations chief Secretary General Ban Ki-moon kay Indonesian President Joko Widodo na iligtas si Veloso at 9 na iba pa na nakatakdang bitayin.

“The Secretary General appeals to the government of Indonesia to refrain from carrying out the execution, as announced, of 10 prisoners on death row for alleged drug-related crimes,” sabi ng tagapagsalita ni Ban.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending