2 Pinoy mountaineer sa Mt. Everest ligtas matapos ang 7.8 magnitude sa Nepal
Ayon sa Malacanang, batay sa ulat ni Foreign Affairs spokesman Assistant Secretary Charles Jose, nakatakdang magpadala ang embahada ng Pilipinas sa New Delhi ng isang grupo sa Nepal para tulungan ang mga Pilipinong apektado ng lindol sa naturang bansa.
Idinagdag ng Palasyo na kinilala ang dalawang Pinoy mountaineer sa Mt Everest na sina Jessica Ann Nicole F. Ramirez at Jose C. Oracion.
“They came from Everest base camp fot vacation as mountaineers. They checked in at Khwopa Guest House Bhaktapur, Kathmandu but are now in Durbar Square for Safety. We will try to get them yo airport or consulate,” ayon pa kay Jose.
Ayon sa ulat, maraming nasawing mga mountaineer sa Mt. Everest matapos ang naranasang avalanche bunsod na rin ng napakalas na lindol.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.