Mayweather magreretiro kung matalo ni Pacquiao | Bandera

Mayweather magreretiro kung matalo ni Pacquiao

Mike Lee - April 26, 2015 - 12:00 PM

MALAKI ang posibilidad na magretiro na lamang si Floyd Mayweather Jr. kung matalo siya kay Manny Pacquiao.

Ito ang nakikita ng maalamat na dating heavyweight king na si George Foreman na naniniwala rin sa kakayahan ng Pambansang Kamao na manalo sa pamamagitan ng decision.

Tinuran ni Foreman na mahirap para sa isang boksingero ang tumanggap ng isang pagkatalo lalo na kay Mayweather na naipanalo ang lahat ng 47 na laban at tinitingala bilang pinakamahusay na boksingero sa kapanahunang ito.

Naramdaman ito mismo ni Foreman nang natalo siya kay Muhammad Ali para maisuko ang hawak na titulo.

“It wasn’t like I lost the title. You lose your perspective of who you are as a human being. This could really knock him out,” wika ni Foreman sa documentary show na handog ng HBO para sa megafight sa Mayo 3.

“That is why I don’t think there can easily be a rematch if Mayweather loses because you have to go out into the mountains somewhere, the hills somewhere, to try to find himself all over again. This could devastate him as a boxer. This could devastate him, a loss,” dagdag nito.

Hindi rin imposible na mangyari ito dahil kayang pumuntos ni Pacquiao gamit ang kanyang mga mabibilis na suntok.

Kapansin-pansin umano ang pagiging mabagal na panimula ni Mayweather sa mga huling laban nito at maaaring samantalahin ito ni Pacman.

“If we’ve got good judges this time, it’s go Pacquiao,” pahayag pa ni Foreman.

Nagpapababa na sa pagsasanay si Pacquiao ngunit hindi ito mangangahulugan na lalambot siya sa araw ng laban dahil nasabi na niya na sa Mayo 3 ay matitikman ni Mayweather ang kanyang kauna-unahang pagkatalo.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending