Donita: Hindi kami naghiwalay ng asawa ko, pero... | Bandera

Donita: Hindi kami naghiwalay ng asawa ko, pero…

Ervin Santiago |April 25,2015
facebook
share this

Donita: Hindi kami naghiwalay ng asawa ko, pero…

Ervin Santiago - April 25, 2015 - 02:00 AM

donita rose

Inamin ng Kapuso TV host-actress na si Donita Rose na meron silang pinagdaraanan ngayon ng kanyang asawang si Eric Villarama. Pero mariin niyang itinanggi ang balitang naghiwalay na sila.

Nakiusap si Donita sa press na huwag na munang pag–usapan ang tungkol sa kanyang family life para na rin daw sa anak nila ni Eric na 10 taon na ngayon. Sey ni Donita, ibalato na lang daw muna sa kanila ang tungkol dito habang inaayos nila ang problema.

Humingi rin ng pasensiya si Donita dahil hindi niya masyadong ma-express ang kanyang sarili sa interview, gusto lang daw niyang protektahan ang kanyang anak. Umaasa siya na darating din ang araw na maaayos nila ng asawa ang kanilang relasyon.

Samantala, isang malaking challenge para kay Donita ang pagiging kontrabida sa bagong serye ng GMA na Let The Love Begin kung saan makakasama niya sina Ai Ai delas Alas at Gardo Versosa, at ang magka-loveteam na sina Ruru Madrid at Gabbi Garcia.

Nakilala kasi ng mga manonood si Donita bilang TV host sa mga comedy movie noon ng Viva Films. Sabi ni Donita, sana raw ay matanggap din siya ng viewers bilang kontrabida dahil gusto rin niyang ma-try ang ibang roles.

Bukod dito, gusto rin niyang magkaroon ng ibang propesyon hindi lang ang pagiging chef at aktres, “Hindi lang pagiging chef o actress ang gusto ko, I want to be everything.”

Masaya naman si Donita sa mga blessing na natatanggap niya ngayon sa kanyang showbiz career at nagpapasalamat siya sa GMA dahil binigyan siya ng pagkakataon na makasama ang Comedy Queen na si Ai Ai sa isang napakalaking proyekto.

Magsisimula na sa May 4 ang Let The Love Begin sa GMA Telebabad pagkatapos ng Pari Ko’y sa direksiyon ni Gina Alajar. Ito ang papalit sa magtatapos na Once Upon A Kiss nina Miguel Tanfelix at Bianca Umali.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending