Anak ni Boyet cancer-free na; operasyon ni Sandy Andolong sa Kidney, tagumpay | Bandera

Anak ni Boyet cancer-free na; operasyon ni Sandy Andolong sa Kidney, tagumpay

Ervin Santiago |April 25,2015
facebook
share this

Anak ni Boyet cancer-free na; operasyon ni Sandy Andolong sa Kidney, tagumpay

Ervin Santiago - April 25, 2015 - 02:00 AM

sandy andolong

MALIGAYANG ibinalita ng award-winning veteran actor na si Christopher de Leon ang unti-unti nang pagbuti ng kundisyon ng asawang si Sandy Andolong matapos itong sumailalim sa kidney transplant noong nakaraang buwan.

Ayon kay Boyet, maganda ang naging resulta ng ilang linggong pamamahinga ni Sandy, at baka raw after three or four months ay babalik na rin sa pagtatrabaho ang magaling na aktres.

Sey pa ng magaling na aktor sa isang panayam, nasa bahay na si Sandy at iku-qua-rantine sa loob ng ilang linggo sa isang bakanteng kwarto sa kanilang bahay para hindi maimpeksiyon.

Para na rin daw itong isang kwarto sa ospital dahil may sariling nurse si Sandy, may TV at may air purifier ang room.
“Kapag papasok kami, I have to be in full gear, yung mask, damit.

Kailangang maingat kami to avoid infection,” chika pa ng aktor sa nasabing interview. Bukod dito, todo-todo rin ang pasasalamat ng pamilya nina Boyet sa Diyos dahil sa wakas, cancer-free na ang anak niyang si Miguel matapos sumailalim sa gamutan sa Amerika.

Na-diagnose si Miguel na may testicular cancer last year at buhat noon ay hindi na ito iniwan ng kanyang mga doktor para siya’y mapagaling.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending