Rommel nanghihingi ng mamahaling motor kay Daniel, Karla dedma | Bandera

Rommel nanghihingi ng mamahaling motor kay Daniel, Karla dedma

Julie Bonifacio |April 25,2015
facebook
share this

Rommel nanghihingi ng mamahaling motor kay Daniel, Karla dedma

Julie Bonifacio - April 25, 2015 - 02:00 AM

rommel padilla

Nagkalat ang lahi ng ama ng Teen King na si Daniel Padilla at kilalang action star na si Rommel Padila sa iba’t ibang TV networks. Of course, alam natin na bonggang-bongga si Daniel sa ABS-CBN, habang ang panganay na anak ni Rommel na si RJ Padilla naman ay may teleserye sa GMA.

And now, ang pinakabunso niyang anak na babae (may isa pa ka-sing paparating na nasa tiyan pa ng misis niya na si Charice Quebec) na si Aryanna Padilla ang bago nilang baby sa comedy show niya with his siblings BB Gandanghari at Robin Padilla sa second season ng 2 ½ Daddies sa TV5 na magsisimula na tonight at 8 p.m..

Si Aryanna ang ika-10 anak ni Rommel at pang-11 nga ‘yung ipinagbubuntis ni Charice na may Russian blood.  Natawa naman si Rommel nu’ng tinawag namin siyang Golden Boy.

He just turned 50 last Jan. 4 at isang black Nissan Navarra pick-up ang regalo sa kanya ni Daniel. “Surprise niya sa akin ‘yun. Pinapunta ako sa bahay nila, nandoon na ‘yung kotse. Hindi ko ‘yun hiningi kay DJ, regalo niya talaga.

Pati ‘yung sister niya na nag-graduate, niregaluhan niya ng Honda Jazz,” pagmamalaki ni Rommel para sa anak. Pero meron daw siyang hinihirit na iba kay DJ at ‘yun ay ang Harley Davidson na motor.

Pero pabirong dinededma raw siya ni Karla Estrada sa tuwing babanggitin niya ang tungkol dito.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending