Coco, Kris, Pnoy iniintriga sa 'SAF 44' MMK episode | Bandera

Coco, Kris, Pnoy iniintriga sa ‘SAF 44’ MMK episode

Julie Bonifacio - April 25, 2015 - 02:00 AM

angel locsin

CASTING coup na maituturing ang unang tambalan ng hari at reyna ng primetime drama series na sina Coco Martin at Angel Locsin sa napaka-espesyal na two-part episode ng Maalaala Mo Kaya na magsisimula ngayong Sabado, April 25.

As expected, puring-puri ni Coco si Angel bilang katrabaho. In fact, barkadahan ang tawag nila sa set ng MMK.“Nakakatuwa, na-surprise ako na napaka-humble niya bilang katrabaho.

Saka ‘yung dedikasyon niya, kumbaga, kung ano ‘yung pagkakakilala ko kay Angel sa loob at labas ng pelikula at telebisyon, noong nakilala ko siya ganoon pa rin.

Napakabait na tao,” ani Coco nu’ng makausap namin sa pocket presscon ng MMK. Gagampanan ni Angel ang isang abogada na nobya ng isang namatay na SAF member na si Gary Araña to be played naman by Coco sa special episode ng MMK.

“Actually, dahil sa sobrang busy din ni Gary, wala siya halos time para gawing engrande or sweet ‘yung pagpo-propose niya kasi nga lagi siyang nasa duty.

Parang one time, pumunta lang siya doon, binigay ‘yung singsing at sinabi niya na saka na tayo mag-usap. And si Suzette kasi mataas din ang pangarap niya as a lawyer,” kwento ni Coco.

Pagpapatuloy pa niya, “And then, si Gary, actually, nag-aaral pa rin siya sa abroad noong nangyari ‘yung incident, sa New Zealand. Kumbaga, ‘yun ang pangarap nila, e. Sabi ko nga, nakakahinayang kasi napakagandang kombinasyon.

Isang lawyer tapos isang SAF member. Tapos what more kapag nagkaanak pa sila? Alam mo ‘yung gustong-gusto nilang magsilbi sa bansa natin.”

Wish nga ni Coco na masundan pa ang pagtatambal nila ni Angel sa isang teleserye at pelikula. Hindi lang namin natanong si Coco kung binigyan ba siya ni Angel ng tips kung paano bumaril.

Sa pagkakaalam namin bihasa sa target shooting itong si Angel. Si Robin Padilla ang nag-inspire kay Angel sa pagbaril.
Honest naman si Coco na limitado ang kanyang kaalaman sa nangyayaring isyu sa gobyerno para sa Mamasapano incident kung saan nasawi ang maraming SAF commandos kabilang na si Gary na ginampanan niya sa MMK.

Kaya much as he would like to tell kung may nabago ba ngayon sa kanyang pananaw tungkol sa nangyaring massacre sa mga Pinoy soldiers compared nu’ng bago niya gawin ang MMK.

“Para sa akin kasi wala ako sa posisyon para magsalita about sa ganoon kalalim na isyu. Kasi syempre inaamin ko, hindi rin ganoon kalalim ang aking kaalaman tungkol sa mga bagay na ‘yan.

“And then, ayokong makaapak at ayokong magdunung-dunungan sa aspetong ‘yan. Kasi kami ginawa namin ‘to dahil gusto naming bigyan ng mukha ang isa sa mga hero dito sa ating SAF.

Kumbaga para sa akin, ayokong bigyan ng malalim na opinion kasi baka magkamali ako, alam ninyo ‘yun?” sey pa ni Coco.
Hindi rin daw siya nag-hesitate tanggapin ang role niya sa MMK kahit na very emotional pa hanggang ngayon ang pamilya ng mga pulis at nakadagdag pa ‘to sa negatibong imahe ng gobyerno ngayon sa pamumuno ni Pangulong Noynoy Aquino na nakatatandang kapatid ng kaibigan niyang si Kris Aquino.

“Actually, napakalalim po niyan, tina-tackle namin po rito, ang hangarin po namin dito ay mabigyan lang ng mukha, mabigyan ng kwento kung ano ba ‘yung pagkatao noong isa sa mga hero natin.

I don’t think na magkakaroon ng ganoong angle.  “Kasi sabi ko nga, kami naman alam namin na marami kaming responsibilidad bilang artista.

Kumbaga, conscious naman kami sa mga bagay-bagay at alam naman namin na marami pang proseso ang tinatakbo ng pangyayaring ‘to,” diin ni Coco.

Kadikit din ng karakter na gagampanan ni Coco sa MMK ang tungkol sa buhay ng isa pang SAF commando na gagampanan naman ni Ejay Falcon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Best friends ang role nina Coco at Ejay sa episode this week and until next Saturday (May 2) na magsisilbing special tribute ng MMK para sa mga nasawing SAF commandos sa Mamasapano sa direksyon ni Garry Fernando.

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending