Glaiza: Dininig na ng Diyos ang mga dasal ko! | Bandera

Glaiza: Dininig na ng Diyos ang mga dasal ko!

Ervin Santiago |April 25,2015
facebook
share this

Glaiza: Dininig na ng Diyos ang mga dasal ko!

Ervin Santiago - April 25, 2015 - 02:00 AM

glaiza de castro

Matagal hinintay ng GMA Artist Center star na si Glaiza de Castro ang pagkakataong makagawa ng sarili niyang album, kaya naman super happy siya nang sa wakas ay ilunsad niya ang self-produced album na “Synthesis” recently sa ETON Centris Activity Area.

Ayon kay Glaiza, isang  answered prayer ang makumpleto at matapos ang kanyang album. Kasabay pa nito ay ang nalalapit na ring ipalabas na serye ng GMA Network, ang The Rich Man’s Daughter kung saan gaganap siyang isang tomboy.

“Na-realize ko nga actually na kapag meron ka talagang isang pinagpe-pray, hindi muna ibibigay sa’yo kasi may tamang panahon, may perfect timing,” dagdag pa niya.

Malaki ang pasasalamat niya sa ilang kaibigan sa industriya na siyang nakibahagi at naging parte ng pagbuo sa “Synthesis”. Ilan sa mga ito ay sina Chynna Ortaleza, Alessandra de Rossi, Benjamin Alves at Angelica Panganiban.

Naglalaman ang album ni Glaiza ng mga kantang ma-gaan sa pakiramdam kagaya ng carrier single nitong “Dusk Till Dawn” at “Mataruok”, na ayon kay Glaiza ay magandang pakinggan habang nagmamaneho.

Sakto sa pandinig ng mga nais mag-relax o magmuni-muni ang album na ito ng Kapuso star.  Available na sa mga record bar ang “Synthesis” kaya gets na kayo ng kopya dahil sulit na sulit ang ibabayad n’yo, promise!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending